Monday, March 28, 2011

Soorah Al-Masad [Ang Himaymay ng Palmera] (111)

Minhaj Quran Level 1  - Fanar Curriculum

Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/ecXGah

Pambungad

Ipinahayag ang Soorah Al-Masad sa Makkah. Ito ay tinatawag din na Soorah Al-Lahab at ito ay nagsasalaysay tungkol sa pagkasira ni Abu Lahab na siyang may tatlong mga anak na lalaki na sina ‘Utbah, Mut’ab at ‘Utaybah. Yumakap sa Islam ang dalawang nauna sa araw ng pagsakop ng Makkah subalit si ‘Utaybah ay hindi nag-Muslim. Si Umm Khulthum, ang anak ng Sugo ni Allah na ay asawa niya (‘Utaybah) at ang kapatid niya (na si Ruqayyah) ay asawa naman ni ‘Uthbah. Nang inihayag ang Soorah (Al-Masad) ang katotohan (o ang kaparusahan) (kay Abu Lahab), sinabi ng ama nilang dalawa (‘Utaybah at ‘Utbah): Ang aking ulo sa inyong ulo ay haraam – ibig sabihin ay – Ni hindi ko kayo titingnan o kakausapin – kung hindi ninyo hihiwalayan ang mga anak ni Muhammad! Kaya’t kanilang hiniwalayan sila. Nang gustong maglakbay ni ‘Utaybah palabas sa Ash-Sham[1] kasama ng kanyang ama, sinabi niya: Tunay na pupuntahan ko si Muhammad upang saktan ang sarili niya at ang anyang relihiyon, kaya’t siya ay pumunta sa kanya at nagsabi: “O Muhammad, tunay na ako ay hindi naniniwala sa Wan-Najmu idhaa hawaa[2],” siya ay lumapit at yumuko at siya ay dumura sa harapan niya at hiniwalayan niya ang anak (ng propeta na si Umm Khultum). Kaya’t dumalangin ang Propeta laban sa kanya at nagsabi: (O Allah gapiin mo siya sa pamamagitan ng isa sa mga aso mo) kaya’t siya ay nilamon ng isang leon. Nasawi din sin Abu Lahab pagkatapos nangyari ang (Digmaan ng) Badr[3] nang siya ay nagkasakit ng nakakahawang sakit na tinatawag ng Al-‘Adasah. Walang lumalapit sa kanya sa loob ng tatlong araw hangga’t siya ay bumaho ng husto. Nang natakot na ang kanyang mga kasama sa hiya, sila ay naghukay para sa kanya ng isang hukay at kanila siyang itinulak dito gamit ay mahaba at makapal na tabla hangga’t siya ay nailagay dito. Sila ay nagtapon mga bato dito hangga’t siya ay nailibing dito. Wala ni isa na bumuhat sa kanya dahil sa takot nilang mahawa (ng sakit) at masawi katulad nang paano ipinaalam sa kanya ng Maluwalhating Qur’an at siya ay namatay ng isang napakasamang kamatayan. At ang kanyang asawa naman (na si Umm Jameel), ‘Arwraa’ Al-ula at siya ay tinawag na Umm Qabeeh (ang ina ng kapangitan/pangit) at siya ay binanggit sa Soorah Al-Masad bilang (nagdadala ng mga Panggatong) at siya ay nagdadala ng tinik na nakabigkis at tistle at ito ay kanyang kinakalat sa gabi sa landas ng Propeta, sallallaahu alaihi wa sallam upang saktan siya. Tunay siya ay mapagpahamak katulad ng kanyang asawa. Siya ay nagpapalaganap ng paninirang puri sa pagitan ng mga tao at siya ay nagsisilab ng apoy ng pagkapoot at awayan sa pagitan nila. Tanyag na siya ay may maluhong kwintas na alahas. Sinabi niya: Sumpa ko kay Al-Laat at ‘Uzza[4] ito ay aking igugugol sa pagpahamak kay Muhammad, kaya’t ito ay sinanhi sa kanya ni Allah na mapalupotan siya ng lubid sa leeg ng Masad sa impyerno.

[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ ]

تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ (١) مَا أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ (٢) سَيَصْلَى نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ (٣) وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ (٤) فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ (٥)

(1) Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab (ang tiyuhin g Propeta), maglaho siya! (2) Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya! (3) Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy! (4) Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong (mga tinik ng Sadan na kanyang iniuumang sa landas ng Propeta, o ang kanyang paninirang –puri sa Propeta) (5) Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (mga himaymay ng palmera).

Kahulugan ng mga Salita

Salita

Kahulugan

Tabbat yadaa abee lahab

Panalangin laban kay Abu Lahab sa pagkasira niya at pagkalugi niya

Watabb

At siya ay nasira at nalugi nga ng tunay

Maa agh-naa ’anhu maaluhu

Hindi niya napakinabangan ang kanyang kayamanan kahit sa anumang bagay

Wa maa kasab

Kung ano ang ginawa niya laban sa propeta

Sayaslaa naaran dhaata lahab

Siya ay susunugin sa napakainit ng apoy

Hammaa latal hatab

Magsanhi ng katiwalian sa pagitan ng mga tao

Masad

Himaymay ng palmeras

Kabuoang kahulugan

Ang diin ng pinagpalang Soorah na ito ay umiikot sa pagkasira ni Abu Lahab, ang kalaban ni Allah subahanahu wataala at ng Kanyang marangal na Sugo, sallallaahu alaihi wasallam. Tunay na si Abu Lahab ay matinding kaaway ng Sugo ni Allah. Kanyang sinisiyasat ang bawat hakbang ng Propeta upang sirain ang pag-anyaya niya (sa mga tao tungo sa Islam) at hadlangan ang mga tao sa pananampalataya dito. At siya ay napangakuan ni Allah sa Soorah na ito ng naglalagablab na apoy, katulad din ng pagpangako ni Allah sa asawa ni Abu Lahab na si Umm Jameel na siya namang nagpapalaganap ng paninirang puri at kasiraan sa pagitan ng Propeta at tribo (ng Quraish) upang hindi sila maniwala sa kanya kapag siya ay mag-anyaya sa kanila sa Islam. Kaya’t sina Abu Lahab at ng kanyang asawa ay nilipol ni Allah at ginawa silang babala sa lahat ng kumakalaban sa Propeta o di kaya’y kumalaban sa kanyang Relihiyon.

Pagsasanay

1 Isulat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah. (Yadaa – Lahab – Agh-naa – Sayaslaa – Hablun)

Bismillahir Rahmaanir Raheem

(1) Tabbat _____ Abee _____ Watabb. (2) Maa ___ ’anhu maaluhu wa maa kasab. (3) _____ naaran dhaata lahab. (4) wam-raatuhu hammalatal hatab. (5) Fee jeediha ____ min masad.

2 Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan

Tabbat yadaa abee lahab

At siya ay nasira at nalugi nga ng tunay

Watabb

Panalangin laban kay Abu Lahab sa pagkasira niya at pagkalugi niya

Maa agh-naa ’anhu maaluhu

Kung ano ang ginawa niya laban sa propeta

Wa maa kasab

Hindi niya napakinabangan ang kanyang kayamanan kahit sa anumang bagay

Hammalatal hatab

Himaymay ng palmeras

Masad

Magsanhi ng katiwalian sa pagitan ng mga tao

3 Ano ang nais na ipagawa ni Abu Lahab sa kanyang dalawang anak na si ‘Utbah at ‘Utaibah pagkatapos naipahayag ang Soorah Al-Masad ?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4 Ano ang sinabi ni ‘Utaybah sa Sugo ni Allah sallallaahu ‘alaihi wa sallam ?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5 Magbanggit ng dalawang aral mula sa mga mararangal na talata ?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Araling Pambahay

Mainam na isaulo ang Soorah Al-Masad.


[1] Syria, Palestine, Jordan.

[2] Soorah An-Najm (53). Alalaong baga, hindi siya naniniwala na ang Qu’ran ay salita ni Allah.

[3] Ang unang digmaang naganap sa pagitan ng mga Muslim at mga Paganong Quraish.

[4] Dalawang diyos-diyosan na sinasamba ng mga Quraish bago dumating ang Islam.

2 comments:

Just Another KSA Blogger said...

Subhana Allah, ito ay isa sa mga patunay ng himala ng Qur'an dahil ang surah na ito ay surah-makki nung si Abu Lahab ay buhay pa, puede siyang mag kunwari na mag-muslim para ipakita sa mga tao sa Makkah na nagkamali ang Qur'an, ngunit di niya ito magawa hanggang umabot sa kanya ang kamatayan, at ang parusa ng Allah na binanggit sa ayat nung siya ay buhay pa, allahu a'alam...

al Madzhar said...

Barakallah Feek Kapatid...Sahih.