Monday, March 14, 2011

Tafseer Soorah Al-‘Asr


Qatar State Mosque

 
Tafseer ibn Katheer sa wikang Filipino. Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/y52nb
Ito ay ipinahayag sa Makkah

Paano nalaman ni ‘Amr bin Al-‘As ang milagro ng Qur’an dahil sa Soorah na ito
Nabanggit nila na pumunta si Musaylimah Al-Kadhdhab pagkatapos na maatasan ang Sugo ni Allah bilang propeta at bago pa man tinanggap ni ‘Amr ang Islam. Sa kanyang pagdating, sinabi sa kanya ni Musaylimah, "Ano ang ipinahayag sa iyong kaibigan (Muhammad) sa mga panahong ito?” Sinabi ni ‘Amr, "Isang maikli at maigsing Soorah ang inihayag sa kanya.” Sinabi ni Musaylimah, ”Ano yun?” Sinabi ni ’Amr;
[وَالْعَصْرِ - إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ - إِلاَّ الَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقِّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ ]
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.) Kaya’t nag-isip si Musaylimah nang sandali. Pagkatapos, sinabi niya, “Tunay na may kaparehas na ipinahayag din sa akin.” Tinanong siya ni ‘Amr, “Ano yun”. Tugon niya, “O Wabr (maliit at mabalahibong hayop), O Wabr! Ikaw lamang ay dalawang tainga at dibdib, at ang natira sa iyo ay paghuhukay at paglulungga.” Sinabi niya, “Ano ang iyong palagay O ‘Amr?”. Sinabi sa kanya ni ‘Amr, “Nanunumpa ako kay Allah! Tunay na alam mo na alam ko na ikaw ay nagsisinungaling.” Nakita ko na nabanggit ni Abu Bakr Al-Khara’iti ang isnaad sa isang parte ng salaysay na ito o di kaya’y malapit sa kahulugan nito, sa pangalawang volume ng kanyang bantog na aklat na Masawi’ ul –Akhlaq. Ang Wabr ay isang maliit na hayop na katulad ng pusa at ang pinaka malaki sa kanya ay ang kanyang tainga at katawan, at ang iba pang parte nito ay pangit. Nais ni Musaylimah na maglathala ng walang saysay na talata na ito upang masalungat ang Qur’an. Subalit ito ay hindi man lang kapani-paniwala sa isang sumasamba sa diyos-diyosan sa panahong iyon. Naitala ni At-Tabarani mula kay ‘Abdullah ibn Hisn Abi Madinah na sinabi niya, “Tuwing magkakatagpo ang dalawang lalaki mula sa mga kasamahan ng Sugo ni Allah, sila ay hindi maghihiwalay hangga’t ang isa sa kanila ay magbibigkas ng Soorah Al-‘Asr sa kabuoan nito sa isa, at ang isa naman ay magbibigay ng Salam sa isa.” Sinabi ni Ash-Shafi’i “Kapag ang mga tao ay mag-isip ng malalim (upang maintindihan ) ang Soorah na ito, ito ay sapat na para sa kanila.”
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allah, ang Mahabagin, ang Maawain
[وَالْعَصْرِ- إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ- إِلاَّ الَّذِينَ ءامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ-]
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.)
Ang Al-‘Asr ay ang panahon na kung kailan ang pag-galaw ng Inap ni Adan ay nangyayari, ito man ay mabuti o masama
Nag-ulat si Malik mula kay Zayd bin Aslam na sinabi niya, “It ay ang gabi”. Subalit ang unang pananaw ay ang tanyang na opinion. Samakatuwid, si Allah ay nanunumpa dito, na ang tao ay nasa kawalan, na ang kahulugan ay pagkatalo at pagkasira
[إِلاَّ الَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ]
(Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan). Kaya’t si Allah ay gumawa ng kataliwasan, mula sa sangkatahuan na nasa kawalan, ay yaong mga nananampalataya sa kanilang puso at nagsisigawa ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang katawan.
[وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقِّ]
(at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan). Ito ay ang pagsagawa ng pagsunod at pag iwas sa mga ipinagbabawal.
[وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ]
(at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.) ang ibig sabihin, (magiging matiyaga) sa mga balak, mga kasamaan at kapahamakan ng mga pumapahamak sa mga tao, dahil sa kanilang pag-utos sa pag gawa ng kabutihan at pag babawal nila sa kasamaan. Ito ang wakas ng Tafseer ng Soorah Al-‘Asr.

No comments: