Sunday, March 13, 2011

Tafseer Soorah al Feel

Hamad Medical City Mosque


Sa wikang Filipino
(i download sa pdf: http://viewer.zoho.com/docs/hcicnc )
Ito ay ipinahayag sa Makkah
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ ]
Sa ngalan ni Allah, ang Mahabagin, ang Maawain,
[أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصْحَـبِ الْفِيلِ - أَلَمْ يَجْعَلْ كَيْدَهُمْ فِى تَضْلِيلٍ - وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْراً أَبَابِيلَ - تَرْمِيهِم بِحِجَارَةٍ مِّن سِجِّيلٍ - فَجَعَلَهُمْ كَعَصْفٍ مَّأْكُولِ ]
(1. Hindi mo ba nababatid kung paano pinakitunguhan ng iyon Panginoon ang may-ari ng Elepante? (Ang hukbo ng gma elepante na nanggaling sa Yemen sa pamumuno ni Abraha Al-Ashram na angnaanis na was akin ang Ka’ba sa Makkah) (2. Hindi baga Niya pinapangyaring mabigo ang kanilang (masamang) balak?) (3. At isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon) (4. Na pumupukol sa kanila ng mga baton a yari sa matigas na putik (Sijjeel)) (5. At Kanyang ginawa sila na tila mga dayami na ginasak at kinain.
Ito ay isa mula sa mga biyaya ni Allah sa (tribo ng) Quraysh. Iniligtas Niya sila mula sa mga nag mamay-ari ng elepante na nagsubok na wasakin ang Ka’bah at burahin at lahat ng bakas nito. Silang lahat ay pinuksa ni Allah, ginapi sila at pinigilan ang kanilang mga balak, ginawang walang kabuluhan ang kanilang pagsisikap at sila ay napauwi ng talunan. Sila ay mga Kristiyano, samakatuwid, ang kanilang relihiyon ay mas malapit sa tunay na relihiyong Islam kaysa sa pagsamba sa mga idolo ng mga Quraish. Subalit ito ay isang paraan upang mabigyan ng tanda at paghahanda sa pagdating ng Sugo ni Allah. Sapagkat, katunayan siya ay isinilang sa parehong taon ayon sa pinaka tanyag na opinion (ng mga dalubhasa sa Kasaysayan). Kaya naman ang dila ng tadhana ay nagsabi, " Hindi Namin kayo tutulungan, o Angkan ng Quraysh, dahil sa anupamang katayuan ninyo sa mga taga Ethiopia. Kami ay tumulong lamang sa inyo upang Aming mapagtanggol ang Sinaunang Bahay (ang Ka’bah), na Aming bibigyan ng karangalan, dadakilain, at sa pamamagitan ng pagsugo ng isang Propetang hindi nakakilala ng sulat, si Muhammad, ang kahulihulihan ng mga Propeta.
Buod ng Kwento ng mga May-ari ng Elepante

Ito ay ang pinaikling kwento ng may-ari ng Elepante. Nabanggit na sa kwento ng mga Tao ng Bambang[1] na si Dhu Nuas, ang huling hari ng Himyar, isang pagano, ay ang nag utos na patayin ang mga Tao ng Bambang. Sila ay mga Kristiyano at ang kanilang bilang ay humigit-kumulang dalawapu’t libong katao. Walang nakatakas ni isa sa kanila liban lamang sa isang lalaki na nag ngangalang Daws Dhu Tha’laban. Siya ay tumakas patungong Ash-Sham[2] na kung saan siya ay humingi ng pangagalaga mula sa Sesar[3] ang emperador ng Ash-Sham na isa ring Kristiyano. Sumulat naman si Sesar kay An-Najashi, ang Hari ng Ethiopia sapagkat siya ay mas malapit sa kanila. Nagpadala ng dalawang gobernador si An-Najashi kasama niya: si Aryat at Abrahah bin As-Sabah Abu Yaksum, kasama ng maraming hukbo. Sila ay pumasok (sinakop) ng Yemen at nagsimulang maghanap mula sa mga kabahayan at nagsipagnakaw sa kakahanap sa Hari ng Himyar. Sa wakas si Dhu Nawas ay namatay sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Nang dahil dito, ang mga Ethiopians ay malayang namahala sa Yemen, na sina Aryat at Abrahah bilang Gobernador. Subalit, silang dalawa ay walang tigil na di nagkakasundo sa mga bagay-bagay, sila ay nagsisipagsalakayan sa bawat isa, naglalaban at nagdigmaan sa bawat isa hangga’t umabot sa panahon a sinabi ng isa sa huli, ”Di na kailangan na maglaban ang ating mga hukbo. Sa halip, tayong dalawa na lamang ang maglabanan (sa tunggalian) at ang sinuman ang makapatay sa isa sa atin ay magiging pinuno ng Yemen ”. Tinanggap ng isa ang hamon ng huli at sila ay nagtunggali. Sa likod ng bawat isa ay paagusan ng tubig (upang walang makatakas mula sa dalawa). Nanaig si Aryat at kanyang hinampas si Abrahah ng kanyang tabak, nasibak ang kanyang ilong at bibig at nahiwa ang kanyang mukha. Subalit sinalakay ni ’Atawdah ang bantay ni Abrahah si Abrahah at napatay niya ito. Samakatuwid si Abrahah ay bumalik ng sugatan sa Yemen kung saan ginamot ang kanyang mga sugat at nagpagaling. Samakatuwid si Abrahah ay naging komandante ng mga Ethiopian sa Yemen.
Sumulat ang Hari ng Abyssinia (Ethiopia) na si An-Najashi sa kanya, sinisisi siya sa nangyari (sa pagitan niya at ni Aryat) at nagbanta sa kanya, sinasabi na sumusumpa na siya tutuntong sa lupa ng Yemen at gugupitin ang kanyang buhok sa noo. Nang dahil dito, nagpadala si Abrahah ng isang sugo kasama ng mga handog at mahahalagang mga bagay kay An-Najashi upang ito ay maglubag sa kanya at upang siya ay purihin ng labis at kasama na rin ng isang sako ng lupa mula sa Yemen at isang piraso ng buhok na ginupit mula sa kanyang noo. Kanyang sinabi sa kanyang sulat sa hari, ”Mangyari na ang Hari na lumakad sa lupa na ito nang matupad ang kanyang sumpa, at ito ay buhok mula sa aking noo na ipinadala ko sa iyo.” Nang natanggap ni An-Najashi ito, siya ay nalubag kay Abrahah at kanyang ibinigay sa kanya ay kanyang pagsang-ayon. Sumulat din si Abrahah kay An-Najashi na sinasabi niya na siya ay magpapatayo ng simbahan para sa kanya sa Yemen na wala pang nakakapagpatayo ng tulad nito. Samakatuwid, siya ay nagpatayo ng malaking iglesia sa San’a, mataas at maganda ang pagkaukit at palamuti sa lahat ng paligid nito. Tinawag ito ng mga Arabo na Al-Qullays sapagkat sa kataasan nito at sapagkat kapag ang isang tao ay titingin dito, madaling mahuhulog ang kanyang sombrero dahil sa kanyang pagtingala.
Nagpasya si Abrahah Al-Ashram na pilitin ang mga Arabo na maglakbay patungo sa kahanga-hangang simbahan na ito, katulad ng paglalakbay nila papuntang Ka’bah sa Makkah. Kanyang ipinahayag ito sa kanyang kaharian (Yemen), subalit ito ay tinanggihan ng mga tribong Arabo ng ’Adnan at Qahtan. Sumiklab ang galit mga Quraysh dahil dito, kaya naman isa sa kanila ay naglakbay patungo sa simbahan na ito at pumasok dito sa isang gabi. Tumae siya sa simbahan at tumakbo (upang makatakas mula sa mga tao). Nang makita ng mga tagapag-ingat ang kanyang ginawa, sinumbong nila ito sa kanilang hari na si Abrahah; ”Isa sa mga Quraysh ang gumawa nito dahil sa galit nang hinirang mo ang simbahan na ito na pamalit sa kanilang Bahay [Ka’bah]. Nang marinig ni Abrahah ito, kanyang isinumpa na siya ay tutungo sa Bahay sa Makkah (Ka’bah) at wasakin ang bawat bato nito. Binanggit ni Muqatil bin Sulayman na may isang pangkat ng mga kabataang lalaki mula sa Quraysh an pumasok sa simbahan at nagsimula ng sunog sa loob nito sa isang araw na mahangin. Dahil dito ang simbahan ay nasunog at gumuho sa lupa. Dahil dito si hinanda ni Abrahah ang kanyang sarili at lumisan kasama ang marami at makapangyarihang hukbo upang walang makapag pigil sa kanya na matupad ang kanyang misyon. Isinama niya ang isang dambuhala at malakas na elepante na ang laki ng katawan nito ay wala pang nakakakita simula’t sapul. Tinawag ang elepante na Mahmud at ito ay ipinadala kay Abraha mula ka An-Najashi, ang Hari ng Abyssinia, particular sa ekspedisyong ito. Sinasabi din na may wala pang elepante na kasama niya; ang kanilang bilang ay iniulat din na labindalawa di pa kasama ang malaki na si Mahmud – Si Allah ang higit na nakakaalam. Ang kanilang pakay ay gamitin ang malaking elepante na ito upang gibain ang Ka’bah. Balak nilang talian ng kadena ang mga haligi ng Ka’bah at itali ito sa leeg ng elepante. Pagkatpos, gagamitin nila ang elepante upang hilain ang mga ito upang mawarak ang dingding ng Ka’bah sa isang panahon. Nang marinig ng mga Arabo ang ekspedisyon ni Abrahah, itinuring nila ito bilang isang napaka lubhang bagay. Kanilang ipinalagay na ito ay isang obligasyon nila na ipagtanggol ang Banal na Bahay at itaboy ang sinumang magtangka laban dito. Dahil dito, ang pinaka marangal na tao sa Yemen at ang pinakadakila mula sa kanilang mga pinuno ay sumalubong upang harapin si (Abrahah). Ang pangalan niya ay Dhu Nafr. Nagpa anyaya siya sa kanyang mga tao at sinuman ang sasagot sa kanyang pag anyaya mula sa mga Arabo, upang makipag digmaan laban kay Abrahah bilang pagtanggol sa Banal na Bahay. Tinawag niya ang mga tao upang pigilan ang balak ni Abrahah na gibain at wasakin ang Ka’bah. Tumugon ang mga tao sa kanyan pag anyaya at sila ay nakipagdigmaan kay Abrahah, subalit nanaig si Abrahah laban sa kanila. Ito ay ayon na rin sa kagustuhan ni Allah at sa Kanyang layunin na parangalan at bigyang karangalan ang Ka’bah.
Nahuli si Dhu Nafr at napasama sa hukbo ni Abrahah
Nagpatuloy ang hukbo sa paglalakbay hangga’t dumating ito sa lupain ng khath’am na kung saan ito ay hinarap ni Nufaul bin Habib Al-kath’ami kasama ng kanyang mga tao, ang tribong Shahran at Nahis. Nakipaglaban sila kay Abrahah subalit sila ay natalo niya at nahuli si Nufayl bin Habib. Noong una nais niyang patayin siya, subalit pinatawad niya siya at ginawa siyang isang gabay upang ipakita sa kanya ang daan patungong Al-Hijaz.
Nang papalapit na sila sa lugar ng At-Ta’if, ang kanilang mamamayan – ang mamamayan ng Thaqif – ay lumabas tungo kay Abrahah. Nais nilang lumubag ang loob niya sapagkat sila ay natatakot para sa kanilang lugar dasalan na kanilang tinatawag na Al-Lat. Naging mabait si Abrahah sa kanila at sila ay nagpadala ng isang tao na nag ngangalang Abu Righal upang gabayan siya. Nang nadatnan nila ang isang lugar na kilala bilang Al Mughammas, na malapit sa Makkah, sila ay nanatili doon. Pinadala niya ang kanyang mga tropa upang dakpin ang mga kamelyo at iba pang mga hayop ng mga taga Makkah, na kanila namang ginawa, kasama na ang dalawandaang kamelyo na pag aari ni ‘Abdul Muttalib. Ang pinuno ng partikular na expedisyon na ito ay isang tao na ang pangalan niya ay Al-Aswad bin Mafsud. Ayon sa binanggit ni Ibn Ishaq, nilalait siya ng ilan sa mga Arabo (dahil sa kanyang papel sa makasaysayang pangyayaring ito). Nagpadala ng emisaryo si Abrahah na si Hanatah Al-Himyari upang pumaloob sa Makkah, nag atas sa kanya na dalhin ang pinuno ng Quraysh sa kanya. Siya ay nautusan din na ipaalam sa kanya na ang hari ay hindi makikipaglaban sa mamamayan ng Makkah liban lamang kung pipigilan nila siya na gibain ang Ka’bah. Pumunta si Hanatah sa lungsod at siya ay itinuro kay ‘Abdul-Muttalib bin Hashim at kanyang ipinarating ang mensahe ni Abrahah. Tugon ni ‘Abdul-Muttalib, " Sa pamamagitan ni Allah! Wala kaming balak na labanan siya ni wala kami sa posisyon na gawin ito. Ito ay ang Banal na Bahay ni Allah at bahay ng Kanyang Khalil[4] na si Abraham. At kung nanaisin Niya na pigilan siya (mula sa pag giba nito), ito ay Kanyang Bahay at Banal na Lugar. At kung hahayaan Niya siya na lumapit dito, sa pamamagitan ni Allah, wala kaming kaparaanan upang ipag tanggol ito. " Kaya sinabi ni Hanatah sa kaniya, “halika’t sumama sa akin sa kanya.” Kaya naman sumama si ‘Abdul-Muttalib sa kanya. Nang makita siya ni Abrahah, siya ay namangha sa kanya sapagkat si ‘Abdul-Muttalib ay isang matipuno at magandang lalaki. Kaya naman bumaba si Abrahah mula sa kanyang upuan at umupo sa kasama niya sa latagan sa lupa. Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang taga pagsalin, “Ano ang kailangan mo” ‘Tugon ni ‘Abdul Muttalib sa taga pagsalin, “Nais ko sanang ibalik ng hari ang aking mga kamelyo na kinuha niya mula sa akin na dalawandaan ang bilang.” Sinabi ni Abrahah sa kanyang taga pagsalin na sabihin sa kanya, " Ako ay namangha sa iyo nang una kitang nakita, subalit ngayon ay hindi na pagkatapos mong makipag usap sa akin. Hinihingi mo sa akin ang dalawandaang kamelyo na kinuha ko mula sa iyo at iyong iniwan ang bahay na siyang batayan ng relihiyon at relihiyon ng mga ninuno mo, na aking pinuntahan upang gibain at hindi mo ako kinausap tungkol dito." Tugon sa kanya ni ‘Abdul Muttalib, “Tunay na ako ang panginoon ng aking mga kamelyo. Subalit ang Bahay, ito ay may Panginoon niya na magtatanggol sa kanya." Sinabi ni Abrahah, “Ako ay hindi mapipigilan (na gibain ito)”. Sagot ni ‘Abdul Muttalib “Kung magkagayon, gawin mo ito”. Sinasabi na ilan sa mga pinuno ng mga Arabo ang sumama kay ‘Abdu-Muttalib at nag alok kay Abrahah ng 1/3 ng kayamanan ng tribo ng Tihamah kung siya ay umurong mula sa Bahay, subalit siya ay tumanggi at ibinalik niya ang mga kamelyo ni ‘Abdul Muttalib sa kanya. Bumalik si ‘Abdul-Muttalib sa kanyang mga tao at nag utos sa kanila na lumisan ng Makkah at maghanap ng kanlungan sa taas ng mga bundok, natatakot mula sa mga kalabisan na maaring magawa ng hukbo laban sa kanila. Pagkatapos kanyang hinawakan ang metal na argolya ng Ka’bah kasama ng ilan sa mga Quraysh, siya ay nagsumamo sa Allah na bigyan sila ng pagwawagi laban kay Abrahah at ng kanyang hukbo. Sinabi ni ‘Abdul-Muttalib, habang nakasabit sa argelyo ng pinto ng Ka’bah, “Wala nang mas mahalaga sa kahit sinumang tao ngayon kaysa sa pag tanggol sa kanyang mga ariarian. O aking Panginoon, ipagtanggol mo ang Iyong pag aari. Ang kanilang krus at balak ay hindi magwawagi sa iyong balak bago pa man sumapit ang umaga.” Ayon kay Ibn Ishaq, binitiwan ni ’Abdul-Muttalib ang argelyo ng pinto ng Ka’bah, at sila ay lumisan ng Makkah at umakyat pataas ng taluktok ng bundok. Binanggit ni Muqatil bin Sulayman na nag iwan sila ng isandaang haop (kamelyo) na nakatali malapit sa Ka’bah habang umaasa na kukuhanin ito ng ilan sa mga hubo nang walang karapatan dito, nangsagayon ito ay magdulot ng paghiganti ni Allah laban sa kanilang sarili.
Nang sumapit ang umaga, naghandang pumasok si Abrahah sa banal na lungsod ng Makkah. Kanyang inihanda ang elepante na si Mahmud. Kanyang pinakilos ang hukbo, ay kanilang ibinaling ang elepante patungong Ka’bah. Sa sandaling yaon, nilapitan ni Nufayl bin Habib ito at tumayo malapit dito, kanyang hinawakan ang tainga nito, at nagsabi, ”Lumuhod ka Mahmud! At pumihit ka at bumalik ka sa kung saan ka nanggaling. Tunay na ikaw ay nasa Banal na Lungsod ni Allah.” Kanyang binitiwan ang tainga ng elepante at ito ay lumuhod, pagkatapos si Nufaul bin Habib ay umalis at nagmadaling pumunta sa kabundukan. Pinalo ng mga alagad ni Abrahah ang elepante upang ito ay tumayo subalit ito ay tumanggi. Hinataw nila ito sa ulo na palakol at gumamit ng kawit na tungkod upang ito ay hilain at upang ito ay tumayo, subalit ito ay tumanggi. Dahil dito, kanilang ibinaling ito papuntang Yemen, at ito ay nagmadaling tumayo at naglakad ng mabilis. Pagkatapos kanilang ibinaling ito papuntang Ash-Sham at ganoon din ang ginawa nito. At ito ay ibinaling din nila papuntang silangan at ganoon din ang ginawa nito. Pagkatapos ibinaling nila ito patungong Makkah at ito ay lumuhod uli. Pagkatapos nagpadala si Allah laban sa kanila gn mga ibon mula sa dagat tulad ng golondrina at tagak. Bawat ibon ay may dalang tatlong bato na sinlaki ng chickpeas at lentils, isa sa bawat kuko at isa tuka. Lahat ng timaan ng mga ito ay nalipol, bagaman hindi lahat sa kanila ay tinamaan nito. Sila ay pasindak na tumakas sa daan habang nagtatanong sa kinaroroonan ni Nufayl upang maituro niya sa kanila ang pabalik sa kanilang lugar. Subalit si Nufayr ay nasa taluktok ng mga bundok kasama ng mga Quraysh at mga Arabo ng Hijaz nagmamasid sa poot na ibinababa ni Allah sa mga tao ng elepante. Nagsalita si Nufay, “Saan sila lilikas kung ang Nag Iisang Tunay na Diyos ang naghahabol sa kanila. Nagapi si Al-Ashram at di siya nagwagi. Inulat ni Ibn Ishaq na binanggit ni Nufayl ang tula na ito sa sandaling iyon,
"Didn't you live with continued support We favored you all with a revolving eye in the morning (i.e., a guide along the way). If you saw, but you did not see it at the side of the rock covered mountain that which we saw. Then you will excuse me and praise my affair, and do not grieve over what is lost between us. I praised Allah when I saw the birds, and I feared that the stones might be thrown down upon us. So all the people are asking about the whereabouts of Nufayl, as if I have some debt that I owe the Abyssinians.''
Sinabi ni ‘Ata bin Yasar at ng iba pa na hindi lahat sila ay tinamaan ng parusa sa oras ng paghiganting ito. Bagkus ilan sa kanila ay kaagad agad na namatay at ang iba naman ay unti-unting natatanggal ang katawan habang nagtatangkang tumakas. Kasama si Abrahah mula sa mga unti-unting nagtatanggalan ang katawan hanggang siya ay tuluyan ng namatay sa lupain ng khath’am. Sinabi ni Ibn Ishaq na lumisan ng Makkah habang tinatamaan at namamatay sa bawat landas at tubig bukal. Ang katawan ni Abrahah ay napinsala ng salot ng mga bato at siya ay kinarga ng kanyang mga hukbo habang nagsisitanggalan ang kanyang katawan pira-piraso hangga’t sila ay umabot ng San’a. Nang sila ay dumating doon siya ay para na lamang maliit na ibon at hindi siya namatay hangga’t hindi nahulog ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. Ito ay kanilang salaysay. Sinabi ni Ibn Ishaq na nang isinugo ni Allah si Muhammad ng pagka propeta, isa sa mga bagay na kanyang sinasalaysay sa mga Quraysh bilang biyaya na ibinigay ni Allah sa kanila at ang pag tanggol Niya sa kanila mula sa pananalakay ng mga Abyssinains. Dahil dito sila (ang mga Quraysh) ay hinayaang manatili (na ligtas sa Makkah) ng ilang panahon. Kaya’t si Allah ay nagsabi
[أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصْحَـبِ الْفِيلِ - أَلَمْ يَجْعَلْ كَيْدَهُمْ فِى تَضْلِيلٍ - وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْراً أَبَابِيلَ - تَرْمِيهِم بِحِجَارَةٍ مِّن سِجِّيلٍ - فَجَعَلَهُمْ كَعَصْفٍ مَّأْكُولِ ]
(1. Hindi mo ba nababatid kung paano pinakitunguhan ng iyon Panginoon ang may-ari ng Elepante? (Ang hukbo ng gma elepante na nanggaling sa Yemen sa pamumuno ni Abraha Al-Ashram na angnaanis na was akin ang Ka’ba sa Makkah) (2. Hindi baga Niya pinapangyaring mabigo ang kanilang (masamang) balak?) (3. At isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon) (4. Na pumupukol sa kanila ng mga baton a yari sa matigas na putik (Sijjeel)) (5. At Kanyang ginawa sila na tila mga dayami na ginasak at kinain.)
[لإِيلَـفِ قُرَيْشٍ - إِيلَـفِهِمْ رِحْلَةَ الشِّتَآءِ وَالصَّيْفِ - فَلْيَعْبُدُواْ رَبَّ هَـذَا الْبَيْتِ - الَّذِى أَطْعَمَهُم مِّن جُوعٍ وَءَامَنَهُم مِّنْ خوْفٍ ]
(For the Ilaf of the Quraysh, their Ilaf caravans, in winter and in summer. So, let them worship the Lord of this House, Who has fed them against hunger, and has made them safe from fear.) (106:1-4)
Hindi babaguhin ni Allah ang kanilang kalagayan dahil nais ni Allah ang kabutihan para sa kanila, kung sila ay sasampalataya sa Kanya. Sinabi ni Ibn Hisham, “Ang Al-Ababil ay ang mga lupon, dahil ang mga Arabo ay hindi nagsasalita ng iisang ibong lamang.” Sinabi din niya, “Ang As-Sijjeel naman, sinabi sa akin ni Yunus An-Nahwi at Abu ‘Ubayday na ayon sa mga Arabo, ito ay nangangahulugang matigas at solid.” Pagkatapos nito sinabi niya, “Ayon sa mga ibang mufassiroon[5] ito ay katunayan nga dalawang salita ng Persyano na ginawang isang salita ng mga Arabo. Ang mga dalawang salita na ito ay ang Sanj at Jil. Ang kahulugan ng Sanj ay mga bato at ang Jil ay luwad (matigas na putik).” Patuloy pa niya, ”As-’Asf ay ang mga dahon nga mga pananim na hindi kinukuha. Isa sa kanila ay tinatawag ng ‘Asfah.” Ito na ang panghuli mula sa kanyang nabanggit. Nagulat si Hammad bin Salamah mula kay ‘Asim, na nag ulat mula kay Zirr, na nagsalaysay mula kay ‘Abdullah at Abu Salamah bin ‘Abdur-Rahman na sinabi nila,
[طَيْراً أَبَابِيلَ]
Mga lupon ng ibon. Parehong sinabi ni Ibn ‘Abbas at Ad-Dahhak na, “Ang kahulugan ng Ababil ay may ilan sa kanila na sumusunod sa iba.” Parehong sinabi ni Al-Hasan Al- Basri at Qatadah, “Ang ibig sabihin ng Ababil ay marami.” Sinabi ni Mujahid, ”Ang kahulugan ng Ababil ay iba’t-iba at sunod-sunod na grupo.” Sinabi ni Ibn Zayd, ”Ang ibig sabihin ng Ababil ay magkakaiba, nang-gagaling kahit saan. Sila ay dumating sa kanila mula sa lahat ng sulok. " Sinabi ni Al Kasa’i, “Narinig ko na sinabi ng mga gramaryan, ”Ang isahan ng Ababil ay Ibil.” Naitala ni Ibn Jarir mula kay Ibn Ishaq bin ’ Abdullah bin Al Harith bin Nawfal na sinabi nila tunkol sa sinabi ni Allah,
[وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْراً أَبَابِيلَ ]
(3. At isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon.) “Ibig sabihin ay dibisyon katulad kung paano maglakad ang mga kamelyo na dibisyon (grupo). “Iniulat na sinabi ni Ibn ‘Abbas
[وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْراً أَبَابِيلَ ]
(isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon.) “Mayroon silang mga snouts parang tuka ng mga ibo at mga paws ng mga aso.” Inulat din na sinabi ni ‘Ikrimah na nagpaliwanang sa sinabi ni Allah
[طَيْراً أَبَابِيلَ]
(Mga Ibon, Ababil.) “Sila ay mga berdeng ibon that lumabas galling sa dagat at may mga ulo sila parang ulo ng mga predatory.” Naiulat galling kay ‘Ubayd bin ‘Umayr na kanyang puna (sa talatang)
[طَيْراً أَبَابِيلَ]
(Mga Ibon, Ababil.) “Sila ay mga itim na ibon ng dagat na may mga bato sa kanilang tuka at kuko.” At ang isnaad[6] ng lahat ng mga salaysay na ito ay mapananaligan. Inulat mula kay ‘Ubayd ibn ‘Umayr na sinabi niya. “Nang ninais ni Allah na lipulin ang mga Tao ng Elepante, Siya ay nagpadala sa kanila ng mga ibon na galling sa golondrinang dagat. Bawat ibon ay may kargang tatlong maliliit na bato – dalawa sa kanyang paa at isa sa tuka. Sila ay dumating hangga’t sila ay nagtipon na helera sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Pagkatapos sila ay nagsi angal at saka ibinato kung ano ang nasa kanilang kuko at tuka. Walang bato na nahulog sa ulo ng kahit kanino liban lang na ito ay lumabas sa kabilang banda. Pagkatapos si Allah ay nagpadala ng malakas na hangin na tumama sa mga bato at lalong pang nagpalakas sa mga ito. Kaya’t silang lahat ay nalipol”.
 
Tungkol sa sinabi ni Allah
[فَجَعَلَهُمْ كَعَصْفٍ مَّأْكُولِ ]
(Sila ay nagmistulang ‘Asr, Ma’kul.) Sinabi ni Sa’id bin Jubayr, “Ibig sabihin nito ay tangkay, na tinatawag ng mga masa na Habbur.” Sa isang ulat mula kay Sa’id, sinabi niya, “Mga dahon ng trigo.” Sinabi din niya, “Ang Al-‘Asf ay tangkay, at ang Al-Ma’kul ay tumutukoy sa mga kumpay na pinuputol para sa mga hayop.” Ganito rin ang sinabi ni Al-Hasan Al-Basri. Sinabi ni Ibn ‘Abbas, “Ang Al-‘Asf ay balat ng butil, katulad ng balat ng trigo.” Sinabi ni Ibn Zayd, ”Ang Al-’Asf ay mga dahon ng mga halaman at ani. Kapag ito ay kinain ng mga baka, ito ay kanilang inilalabas bilang mga dumi ng hayop.” Ang kahulugan nito ay nilipol sila ni Allah, inubos sila at itinaboy sila mula sa kanilang mga balak at galit. Wala silang napala na kahit anong kabutihan. Ginawa sa kanila ni Allah ang panlahatang pagkawasak at wala ni isa sa kanila na bumalik (sa kanila lupain) upang isalaysay ang nangyari liban lang na siya ay sugatan. Ito ay kagaya rin ng nangyari sa kanilang pinuno na si Abarahah. Tunay talaga na siya ay nahati’t nabuksan, nakalitaw ang kanyang puso nang siya ay umabot sa San’a. Sinabi niya sa mga tao ang nangyari sa kanila at siya ay namatay pagkatapos nit. Ang kanyang anak na si Yaksum ay naging hari sumunod sa kanya, at ang kapatid ni Yaksum na sin Masruq bin Abrahah ay sumunod din sa kanya. Tapos, sin Sauf bin Dhi Yazan Al-Himyari ay pumunta kay Kisra (ang Hari ng Persya) at humingi ng kanyang tulong laban sa mga Abyssinians. Nagpadala ng ilan sa kanyang mga hukbo kasama si Sayf Al-Himyari upang labanan ang mga Abyssinians. Nang dahil dito, ibinalik ni Allah ang kanilang kaharian sa kanila (ang mga Arabo ng Yemen) kasama na ng kapangyarihan na pag aari ng kanilang mga ninuno. Tapos, maraming mga delegasyon ng mga Arabo ang pumunta sa kanya (Sayf Al-Himyari) upang siya ay batiin sa kanilang pagkapanalo. Nabanggit na rin natin sa Tafsir ng Surah al Fath na nang ang Sugo ni Allah ay malapit sa daanan ng bundok na maghahatid sa kanya papunta sa mga Quraysh sa araw ng Al-Hudaybiyyah, ang kanyang kamelyong bababe ay lumuhod. Tinangka ng mga tao na patayuin siya subalit siya ay di sumunod. Kaya’t sinabi ng mga tao, ”Naging pasaway sin Al-Qaswa.” Sinabi ng Propeta,
«مَا خَلَأَتِ الْقَصْوَاءُ، وَمَا ذَاكَ لَهَا بِخُلُقٍ، وَلَكِنْ حَبَسَهَا حَابِسُ الْفِيل»
(Hindi naging pasaway sin Al-Qaswa’ sapagkat hindi it parte ng kanyang ugali. Subalit siya ay napigilan ng Niya na umawat sa mga Elepante. Kanyang sinabi,
«وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لَا يَسْأَلُونِّي الْيَوْمَ خُطَّةً يُعَظِّمُونَ فِيهَا حُرُمَاتِ اللهِ إِلَّا أَجَبْتُهُمْ إِلَيْهَا»
(Ako ay sumusumpa sa Kanya na kung saan ang aking kaluluwa ay nasa Kanyang Kamay, sila (Quraysh) ay hindi hihingi sa akin ng kahit anu pa mang bagay (mula sa Kasunduan) na kung saan ang mga banal na bagay ni Allah ay pinararangalan, liban lamang na ako ay sasang ayon sa kanila ukol dito.) Tapos kanyang inutusan ang kamelyo na tumayo at ito ay tumayo. Ang Hadith na ito ay kay Al-bukhari na magi sang nag tala nito. Ito ay naitala din sa dalawang Sahih[7] sa Araw ng Pagkasakop ng Makkah, sinabi ng Sugo ni Allah,
«إِنَّ اللهَ حَبَسَ عَنْ مَكَّةَ الْفِيلَ، وَسَلَّطَ عَلَيْهَا رَسُولَهُ وَالْمُؤْمِنِينَ، وَإِنَّهُ قَدْ عَادَتْ حُرْمَتُهَا الْيَوْمَ كَحُرْمَتِهَا بِالْأَمْسِ، أَلَا فَلْيُبَلِّغِ الشَّاهِدُ الْغَائِب»
(Tunay na pinigilan ni Allah ang elepante mula sa Makkah, at binigyan Niya ang Kanyang Sugo at mga nananampalataya ng kapangyarihan sa ito. Tunay na ang kanyang pagkabanal ay bumalik katulad ng pagkabanal nito noon. Kaya’t ipagbigay-alam ng mga nakatunghay sa mga di nakatunghay.) Ito ang wakes ng wakes ng Tafsir ng Surah Al-Fil, at ang lahat ng papuri ay ukol lamang kay Allah.

[1] Soorah al Burooj (85)
[2] Ang lumang pangalan ng Syria, Lebanon, Jordan at Palestine.
[3] Ang tawag sa hari ng Emperador Romano
[4] Isang titulo ni Abraham na nangangahulugang napakalapit na kaibigan.
[5] Mga Dalubhasa sa pag bigay paliwanag sa Qur’an
[6] Chain of narrations. See sciences of hadeeth.
[7] Sahih Bukhari at Sahih Muslim

No comments: