Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/pfPdbi
Soorah Al-‘Asr (103)
Pambungad
Ang Soorah Al-‘Asr ay ipinahayag sa Makkah at ang mga talata nito ay tatlong talata. Ito ay dumating nang may napaka-iksing ulat, upang ipaliwanag ang mga kadahilanan ng kaligayahan ng tao, at ang kanyang tagumpay sa buhay na ito, o di kaya’y kanyang pagkalugi at pagkasawi. Ang Allah ay nanumpa sa Al-‘Asr, ang panahon na kung saan nagwawakas dito ang bagay-bagay ng sangkatauhan. Ito ay naglalaman ng iba’t-ibang uri ng kamanghaan at aral na tumutukoy sa kapangyarihan at karunungan ng Allah, na ang sangkatauhan ay nasa kalugian at kakulangan, liban lamang sa mga nagtataglay ng mga apat na katangian, na nabanggit sa Soorah. Ang mga ito ay:
- Pananampalataya – Pag-gawa ng Mabuti - nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan - nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga. Ang mga katangian na ito ay itinuturing na bilang mga batayan ng kabutihan at saligan ng relihiyon. Nang dahil dito, sinabi ni Imam Ash-Shafi’ee (kaawaan nawa siya ng Allah): Kung hindi nagpanaog ang Allah ng iban Soorah liban sa Soorah na ito, sapat na ito sa sangkatauhan.
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
[وَالْعَصْرِ- إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ- إِلاَّ الَّذِينَ ءامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ-]
Transliteration
Bismillahir Rahmanir Raheem
Wal-‘Asr – Innal insaana lafee khusr – illalladheena aamanu wa ‘amilus saalihati wa tawaasaw bil haq wa tawaasaw bis-sabr.
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.)
Kahulugan ng mga Salita
Salita | Kahulugan |
Al-’Asr | Ang Panahon |
Khusr | Pagkaligaw at pagkasawi |
Aamanu | Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti |
As-Saalihaat | Mga gawang may kapakinabangan sa sangkatauhan at hindi magdudulot ng kapahamakan kahit kanino. |
Tawaasaw | Pagbibigay payo ng bawat isa |
Al-Haq | Lahat ng uri ng kabutihan |
As-Sabr | Lakas ng sarili upang pasanin ang kahirapan sa pag-gawa ng kabutihan at pag-iwas mula sa kasamaan. |
Kabuuoang Kahulugan
Sumumpa ang Allah sa panahon sa marangal na Soorah na ito, at ito ay ang paglipas ng panahon ng gabi at araw nang ganap at maayos na paraan. At ito ay ang panahon ng liwanag at kadiliman, tag-init at taglamig, at dito nagaganap ang gawa ng mga tao, maging ito man ay mabuti o masama. Ang ligaw at sawing tao ay may pagkiling patungong kasamaan. Kanyang sinusunod ang kanyang mga pagnanasa. At hindi dahil sa panahon siya ay pumasok sa kanyang pagkaligaw at pagkasawi sapagkat ang bawat sandali na lumilipas mula sa gulang ng tao ay nagsisilbing babala sa paglapit ng kanyang kamatayan.
Sinabi ng isang Manunula:
Tunay na tayo ay magalak sa mga araw na lumipas
Ang bawat araw na dumaan ay pagbabawas ng buhay
At walang makakaligtas sa pagkaligaw at pagkasawi liban lamang ang mga matapat sa Allah, at nananampalataya sa Kanyang mga Kapahayagan at mga Sugo, at nagsisipagsagawa ng Kabutihan na nagbibigay sa kanila ng pakinabang at hindi nagsasanhi ng kasamaan sa iba. Sila ay nag aanyaya sa bawat isa tungo sa pagsunod ng katotohanan, at pag-gawa ng kabutihan at sa pagsasanay sa sarili sa pag pasan ng mga kahirapan na magaganap sa pag-gawa ng kabutihan at pagpasan sa mga di kanais-nais dulot ng pag-iwas mula sa masamang pagnanasa at kasamaan.
Pagsasanay
1. Isulat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah.
(Al-insaan – Khusr – Amaanu – As-saalihaat – Bis-sabr)
Bismillahir Rahmaanir Raheem
(1) Wal ’Asr. (2) Inna _____ lafee _____. (3) Illalladheen ______ wa amilu ______ wa tawaasaw bil haqqi wa tawaasaw _________.
2. Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan
Salita | Kahulugan |
Al-’Asr | Pagkaligaw at pagkasawi |
Khusr | Ang Panahon |
Aamanu | Lahat ng uri ng kabutihan |
Al-Haq | Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti |
3. Sa ano sumumpa ang Allah sa umpisa ng marangal na Soorah?
4. Papaano magaganap ang kasayahan ng tao sa mundo at sa kabilang buhay?
a. _____________________________________________________
b. _____________________________________________________
c. _____________________________________________________
d_____________________________________________________
2. Magbanggit ng dalawang aral mula sa mga mararangal na talata ?
3. Mainam na isaulo ang Soorah Al-’Asr
No comments:
Post a Comment