Bismillah walhamdulillah wassalatu wassalamu ‘ala Rasoolillah
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُواْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
O kayong mga sumasampalataya! Iginawad sa inyo ang pag-aayuno katulad ng pag-gawad nito sa mga nauna sa inyo, nang sa gayon kayo ay maging mga Muttaqoon.
Ang layunin ng pag-aayuno ay upang magtamo ng Taqwa o a pagiging may kamalayan sa Diyos at pagkatakot kay Allah. Ang kakayanan upang masugpo ang mga pasaway na kalikasan ng sarili, sa isang banda, at ang pag-linang ng lakas ng sarili, sa kabilang banda, ay lubos na kailangan sa kaparaanan ng paglilinis ng kaluluwa. Ito ay dahil sa panahon ng pag-ayuno sa Ramadan, maraming mga pagkakataon, biyaya at mga kaparaanang maaring makamtan at magamit nang ang kaluluwa ay malinisan.
Una, ang pagpatawad ng kasalanan ay may positibong naidudulot sa paglinis ng kaluluwa. Ang pagipon ng mga kasalanan ng nagdaang taon ay nagdudulot sa kunsensya ng endless guilt at ang pakiramdam na ang kasalanan ay napapatawad ay nagbibigay ginhawa sa napapagod na puso. Hindi ka ba nagtataka na kung papaano hindi makatulog ang mga tao sagabi sapagkat sila ay nakapinsala sa iba o di kaya’y nakipag-away sa iba? Ang mabigat na pasanin na ito sa kaluluwa ng nananampalataya ay natatanggal kapag may pagkakasunduan na muli. Kagaya nito, si Allah swt, dahil sa kanyang awa, ay nagpapatawad sa mga nag-aayuno na nagsasanhi naman ng paghupa ng masamang pakiramdam mula sa kanyang nagdaang kasalanan laban kay Allah. Sinabi ni Propeta Muhammad:
من صام رمضان ايمنا و احتصابا غفر له ما تقدم من ذنبه
Ang sinuman ang nag-ayuno sa buwan ng Ramadan, habang siya ay may Iman at may Ihtisab, ang kanyang nagdaang kasalanan ay papatawarin para sa kanya.
Ang hadeeth na ito ay nagbanggit ng dalawang saligan/kundisyon upang mapatawad ang mga kasalanan. Una, ang nag-aayuno ay dapat na Mu’min. Ang Al- Ihtisab naman ay may tatlong kahulugan: pagkakaroon ng matatag na panindigan, pag-asa sa gantimpala at pagiging malugod sa gawain (ng pag ayuno) na hindi tinuturing na ang gawain na ito ay isang mabigat na pasanin.
Pangalawa, dapat ay maramdaman niya na gumagawa siya ng isang bagay na lubhang mahal at natatangi kay Allah. Ang bawat Gawain ng apo ni Adan ay katumbas ng sampu hanggang pitong daan bilang, liban lang sa pag-aayuno na gagawaran ng gantimpala ni Allah, Al Kareem ang Higit na Mapagbigay.
Pangatlo, dinadalisay ang espiritu ng pag-aayuno sa paglinang ng napakahalagang katangian ng pagkamatiisin. May tatlong uri ng pagiging matiisin: Pagiging matiisin sa pagtupad ng mga obligasyon, pagiging matiisin sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal at ang pagiging matiisin sa panahon ng kalamidad. Ang lahat ng tatlong ito ay nasasanay sa nag-aayunong tao sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga obligasyon ng mga gawain ng pag-aayuno, pag-iwas sa mga masasama, madudumi, walang saysay, at makasalanang mga gawain at ang pagigiing matiisin sa mga paghihirapan na maaring maganap habang nag-aayuno.
Pang-apat, ang pag ayuno ay nagpapaaalala sa tunay na dahilan ng paglikha at ng diwa ng Islam. Na sa pag-samba kay Allah, di maiiwasan na sumuko sa Kanyang Kagustuhan muna; na mauuna muna si Allah bago ang sariling hangarin. Lalo na sa mga nakatira sa mga bansang di-Muslim na nakakadama ng tukso na kung saan ang lahat ay kumakain at umiinom habang ikaw ay nagpipigil sa sarili dahil gusto mong sundin ang kagustuhan ni Allah.
Panglima, ang lahat ay tila bagang bumabagal sa buwan ng Ramadan (lalo na sa mga bansang Muslim), at karaniwan na (ang mga tao) ay walang lakas ng gumawa ng mga bagay na walang kabuluhan. Samakatuwid, magkakaroon ng maluwag na panahon ng mag-isip at mag-muni muni. Ito ay nagbibigay sa isang tao ng maraming panahon ma mag-isip tungko sa kanyang buhay at marahil sa mga kasamaan na kanyang nagawa.
Pang-anim, ang pagdama at pag-gawa ng isang gawain ay tunay na nagbibigay ng kasiguraduhan kaysa sa pag-saksi lamang. Ilang ulit na tayong nakakita ng mga larawan ng mga malnourish na bata as Afrika at nakadama tayo ng awa sa kanila, subalit di pa rin natin mararamdaman kung papaano magutom at makatikim ng sakit ng gutom sa ating tiyan. Ito ay dapat na magdudulot sa atin na maging mapagsalamat sa mga biyaya ni Allah.
Pangpito, ang pag-aayuno ay nakakatulong upang makamit natin ang ating potensyal bilang tao. Mayroong iilan sa atin na nag-iisip na ang mga obligasyon at ipinagbabawal sa Islam ay napakahirap o hindi maaring ipatupad lalo na sa mga di-Muslim na lipunan kaya’t ating hinahayaan ang ating sarili na gumawa ng mga Haram na gawain dahil iniisip natin na wala na tayong magagawa hinggil dito. Subalit sa Ramadan, hindi lang ang haram ang ating iniwasan, ngunit pati na rin ang Halal. Kung may kakayanan tayong umiwas sa mga pinapahintulutan, papaano pa kaya ang mga ipinagbabawal. Ito ay higit na totoo sa mga naninigarilyo! Katunayan ang pag-ayuno ay pagsasanay sa unti-unting pag-iwas sa nakakahumaling na epekto ng paninigarilyo.
Pangwalo, ay ang pagtungo kay Allah at pag-unawa ng pangangailangan sa Kanya. Kapag babawiin ni Allah ang ating pangunahing pangangailan bilang mga tao, sino ang makakatulong sa atin? Isipin natin na tatanggalin ni Allah ang ating panlasa o pagkabusog. Dahil tayo ay ipinanganak na buo ang ating pandama at mga kamay at paa, tayo ay nakakalimot na sa katiyakan ito ay hindi naman talaga atin. Ang katotohanang ito ay maliwanag na matutunghayan sa mga taong may sakit tulad ng Stroke na paralisa ang kalahati ng katawan. Ang kanyang kalahating katawan ay nakakabit parin sa kanya, nakikita niya ito, subalit hindi ito ay kayang igalaw at minsan ito pa ay hindi niya nararamdaman na nandoon pa rin. Subhanallah!
Pangsiyam, narinig na natin ang hadeeth ng Propeta: “Ang sinuman ang makapangako sa akin ng kung ano ang nasa pagitan ng kanyang balbas (dila) at ng nasa pagitan ng kanyang hita, aking ipapangako sa kanya ang paraiso”. Di mo ba nakikita? Ang pag-aayuno ay tumutulong sa atin na maging maingat sa ating mga sinasabi at maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa kabaro natin.
Pangsampu, pinapaalala sa atin ng pag-aayuno na hindi tayo narito upang kumain at uminom lamang; ika nga, ang ating pag-iral ay di lamang upang busugin ang ating makamundong hangarin; na nandito tayo para sa mas mataas na dahilan, at ito ay ang pagsamba kay Allah. Sa medaling salita, tayo ay kumakain di lamang upang tayo ay mabuhay subalit upang sumamba sa Manlilikha. Ito ay ang nag-bubukod sa atin mula sa mga moderno at secular na materiyalistik na tao na kumakain lamang upan mabuhay, o di kaya’y mas masahol pa, iilan sa kanila na nabubuhay lamang upang kumain.
Labing Isa, ang pag ayuno ay pagkakataon na mapatunayan natin kay Allah ang ating malinis na hangarin. Ang lahat ng uri ng pagsamba ay nakikita ng iba pati na ang pagkawang gawa na kung saan alam ng tumatanggap na may nag-bigay sa kanya ng patago. Subalit sa pag-aayuno, walang nakaalam kung totoo ngang nag-ayuno ka nga o patagong sumubo ng pagkain sa iyong bibig liban lamang si Allah. Ang kadalisayan sa gawain ay isang pangunahing pangangailangan sa pagtanggap ng mga gawain at tagumpay.
Labing Dalawa, natutulungan ng pag-aayuno ang sakit na ‘maghangad pa na marami’. Kapag mapag-isip isip lamang nga tao na siya ay nabubuhay sa isa’t kalahating kainan lamang sa isang araw, at ito lang ang kanyang tunay na pangangailangan. Ilan sa atin ang may ganitong sariling-gawa na pangangailangan, na gawa gawa lamang natin na ating pinaniniwalaan. Ilan sa atin ang nagsasabi na “Hindi ko kayang mabuhay kung walang smart phones o may V8 na sasakyan o tatlong palapag na bahay”? Ating ginagastos ang ating yaman sa mga bagay na hindi naman talaga pangangailangan.
Higit sa lahat, malaki ang papel ng Taqwa sa lahat ng ito. Itong lakas na gumawa ng mga ipinag uutos ni Allah, ang pagpipigil sa sarili na pumipigil sa atin upang maiwasan ang mga ipinagbabawal ni Allah sa atin, at itong pagmamahal kay Allah na nagdudulot sa atin na gumawa ng mga bagay higit pa sa Kanyang ipinag-uutos. Ang pag-ayuno sa Ramadan at ang Tarawih, ay nilalaman ang lahat ng ito, nililinis ang ating espiritu at ginagawa tayo na papalapit ng papalapit kay Allah. Sinabi ni Allah: “Ang sinuman ang may galit sa Aking kaibigan, ako ay nagpapahayag ng digmaan sa kanya. Napapalapit ang Aking alipin (tao) sa Akin sa pamamagitan ng pagtupad ng mga obligasyon na Aking iginawad sa kanya; at ang Aking alipin ay patuloy na papalapit sa Akin sa kanyang pag-gawa ng mga Sunnah na gawain hanggang siya ay Aking mahalin. At kapag mahal Ko na siya, Ako ay (nagiging) kanyang pandinig, ang kanyang paningin na kanyang nakikita, ang kanyang kamay na kanyang ginagamit, at ng kanyang paa na kanyang ipinanglalakad. Kapag siya ay hihingi sa Akin, tunay na pagbibigyan Ko siya, at kapag siya ay humingi ng kanlungan, Akin itong ibibigay sa kanya. (Bukhari)