Tafseer ibn Katheer sa Wikang Filipino
Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/tpTa6
بسم الله الرحمن الرحيم
تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ (1) مَا أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ (2) سَيَصْلَى نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ (3) وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ (4) فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ (5)
Tafseer ng Soorah Tabbat (Al-Masad).
Ito ay ipinahayag sa Makkah.
Sa Ngalan ni Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
(1) Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab (ang tiyuhin g Propeta), maglaho siya! (2) Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya! (3) Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy! (4) Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong (mga tinik ng Sadan na kanyang iniuumang sa landas ng Propeta, o ang kanyang paninirang –puri sa Propeta) (5) Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (mga himaymay ng palmera).
Sinabi ni Al-Bukhari na sinabi ni Ibn ’Abbas[1]: Lumabas ang Propeta Muhammad r sa Al-Bathaa’[2] at siya ay umakyat sa bundok at nagtawag ”O mga tao, halika kayo ngayon din!” Nagtipon ang Quraish[3] sa paligid niya at sinabi niya: ”Kapag sasabihin ko sa inyo na lulusubin kayo ng inyong kaaway sa umaga o sa gabi, maniniwala ba kayo sa akin?” Sinabi nila: ”Oo”. Sinabi niya: ”Ako ay isang tagapag babala sa inyo sa isang masakit na kaparusahan na darating”. Sinabi ni Abu Lahab: ”Nang dahil ba dito kaya mo kami tinipon? Kasawian sa iyo!”. Kaya’t ipinahayag ni Allah ”Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab, maglaho siya!”[4]
Sa isang salaysay: Kanyang pinagpag ang kanyang kamay (na may alikabok) at nagsabi. ”Kasawian sa iyo sa buong araw na ito! Nang dahil ba dito kaya mo kami tinipon?” Kaya’t ipinahayag ni Allah ”Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab, maglaho siya!”[5]
Ang unang bahagi ay panalangin laban sa kanya at ang pangalawa ay pagbigay ng kaalaman tungkol sa kanya[6]. Si Abu Lahab ay isa sa mga amain ng Propeta Muhammad r at ang kanyang pangalan ay Abdul-‘Uzza bin ‘Abdul Muttalib at ang kanyang Kunya[7] ay Abu ’Utaibah. Siya ay tinawag na Abu Lahab dahil sa maaliwalas niyang mukha. Marami siyang nagawang pinsala sa Propeta r at matindi ang poot niya sa kanya, pag-alipusta sa kanya, at minamaliit niya siya at ang kanyang relihiyon.
Sinabi ni Imam Ahmad: salaysay ni Ibraahim bin Abee Al-’Abbas, mula kay ’Abdur-Rahman bin Abee Az-Zinaad, mula sa kanyang ama na nagsabi: Sinabi sa akin ng isang lalaki na ang pangalan ay Rabee’ah bin ’Abbaad mula sa tribo ng Ad-Dayl, sa panahon ng Jaahiliyyah [8] ngunit yumakap din sa siya Islam. Kanyang sinabi: ”Nakita ko ang Propeta r sa panahon ng Jaahiliyyah sa Pamilihan ng Dhu Al-Majaaz na nagsasabi: ’O mga tao sabihin niyo Laa ilaha illallaah[9] nangsagayon kayo ay magtagumpay’ at nagsitipon ang mga tao sa paligid niya. Sa kanyang likod ay isang lalaki na duling at may dalawang trintas ang buhok na nagsasabi: ”Siya ay isang sinungaling na Sabaa’i[10]”. Sinusundan niya siya kahit saan man siya mapunta. Nagtanong ako tungkol sa kanya at kanilang sinabi: ”Siya ay ang kanyang tiyuhin na si Abu Lahab”.
Itinala ni (Imam Ahmad) mula kay Suraij, mula kay Ibn Abee Ziyaad, mula sa kanyang ama, na nagbanggit din ng salaysay na ito. Sinabi ni Abu Ziyaad: ”Sinabi ko kay Rabee’ ’Bata ka pa ba sa panahon na iyon?’” Sinabi niya: ”Hindi, Wallahi, sa mga araw na yaon ako ang pinaka matalino at ang pinakamalakas na mag-ihip (ng plauta). Mag-isang nagtala ni Imam Ahmad sa salaysay na ito[11]. Tungkol naman sa salita ni Allah,
[مَآ أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ ]
(Ang kanyang kayamanan at mga anak (kasab) ay hindi niya mapapakinabangan!) Sinabi ni Ibn ‘Abbas at ng iba pa na,
[وَمَا كَسَبَ]
(At ang kanyang (kasab) ay hindi niya mapapakinabangan!)” Ang kahulugan ng ’kasab’ ay mga anak niya.” Magkatulad na salaysay ay naitala din mula kay ’Aishah, Mujaahid, ’Ata’, Al-Hasan at Ibn Sireen. Nabanggit mula ka Ibn Mas’ood na nang nagtawag ang Propeta r sa mga tao tungo sa kanyang pananampalataya, sinabi ni Abu Lahab, ”Kahit na totoo pa ang sinasabi ng aking pamangkin, tutubusin ko ang aking sarili sa pamamagitan ng aking mga anak.” Kaya’t ipinahayag ni Allah,
[مَآ أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ ]
(Ang kanyang kayamanan at mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya!) Pagkatapos sinabi ni Allah,
[سَيَصْلَى نَاراً ذَاتَ لَهَبٍ ]
Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy!
Ang Tadhana ni Umm Jameel, ang Asawa ni Abu Lahab
[وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ ]
(Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong) Ang kanyang asawa ay isa sa mga nangungunang babae sa Quraysh at siya ay kilala bilang Umm Jameel. Ang kanyang pangalan ay ‘Arwah bint Harb bin Umayyah at siya ay ang kapatid na babae ni Abu Sufyan. Tinatuguyod niya ang kanyang asawa sa di-pananampalataya, pag-tanggi at kasuwailan. Samakatuwid siya ay tutulong sa pag-lapat ng parusa niya (Abu Lahab) sa loob ng apoy ng Impyerno sa Araw ng Paghuhukom. Kaya’t sinabi ni Allah,
[وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ - فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(na nagdadala ng mga Panggatong. Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad) ang ibig sabihin ay, siya ay magdadala ng panggatong at ito ay ibabato niya sa kanyang asawa nang sa gayon lalong titindi ang kanyang kalagayan (kaparusahan), at siya ay handa at gayak na gagawin ito.
[فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad). Sinabi nina Mujaahid at ’Urwa, ” mga himaymay ng palmera ng Impyerno.” Nagsalaysay si Al-’Awfi mula kay Ibn ’Abbas, ’Atiyah Al-Jadali, Ad-Dahhak at Ibn Zayd na dati niyang gawi na maglagay ng mga tinik sa danaanan ng Sugo ni Allah r. Sinabi ni Al-Jawhari, ”Ang Al-Masad ay tumutukoy sa himaymay, at ito rin ay lubid na gawa sa himaymay ng palmera. Ito rin ay gawa mula sa balat ng kamelyo o di kaya’y mula kanilang balahibo. Sinasabi sa (wikang Arabe) Masadtul-Habla at Amsadhuhu Masadan, kapag mahigpit mong tinatali ang tali.” Sinabi ni Mujaahid,
[فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad) “Ang kahulugan nito ay isang kuwelyo na bakal.” Di mo ba nakikita na tinatawag ng mga Arabo ang kable ng kalo na Masad?
Ang Salaysay ng Asawa ni Abu Lahab na sinasaktan ang Sugo ni Allah r
Sinabi ni Ibn Abi Haatim na ang kanyang ama at si Abu Zur’ah ay nagsasabi si ‘Abdullah bin Az-Zubayr Al-Humaydi na sinabi sa kanila ni Sufyan na nagsalaysay si Al-Walid bin Katheer mula kay Ibn Tadrus na siya namang nagsalaysay mula kay Asma’ bin Abi Bakr na, “Nang,
[تَبَّتْ يَدَآ أَبِى لَهَبٍ]
…maihayag ang (Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab!), ang may isang-mata na si Umm Jameel bin Harb ay lumabas ng pataghoy, at siya ay bato sa kanyang kamay. Kanyang sinasabi, ‘Kanyang binabatikos at ating mga ninuno, ang kanyang relihiyon ay kinamumuhian natin, at ang kanyang utos ay sumuway sa atin’ Nakaupo ang Sugo ni Allah r at si Abu Bakr sa Masjid (ng Ka’bah) ay kasama niya. Nang Makita siya ni Abu Bakr sinabi niya, ‘O Sugo ni Allah! Papalapit na siya at nangangamba ako na makikita ka niya.’ Tugon ng Sugo ni Allah,
«إِنَّهَا لَنْ تَرَانِي»
(Tunay na hindi niya ako makikita) At kanyang binasa ang ilan samga talaga ng Qur’an upang mapangalagaan ang sarili niya. Ito ay katulad ng sinabi ni Allah,
[وَإِذَا قَرَأْتَ الْقُرءَانَ جَعَلْنَا بَيْنَكَ وَبَيْنَ الَّذِينَ لاَ يُؤْمِنُونَ بِالاٌّخِرَةِ حِجَابًا مَّسْتُورًا ]
(At nang ikaw (O Muhammad) ay dumadalit ng Qur’an, inilagay Namin sa iyon gpagitan at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ang hindi nakiktiang lambong.) (17:45). Kaya’t siya ay lumapit hangga’t siya ay nakatayo na sa harapan ni Abu Bakr at hindi niya nakita ang Sugo ni Allah r. Kaya’t sinabi niya, ‘O Abu Bakr! Tunay na ako ay nabalitaan na ang iyong kaibigan ay gumagawa ng mapanglait na tula tungkol sa akin! Tugon ni Abu Bakr, ‘Hindi! Sumpa ko sa Panginoon ng Bahay (Ka’bah) na ito, hindi ka niya nilalait.’ Kaya’t siya ay bumaling papalayo habang sinasabi, ‘Tunay na alam ng Quraish na ako ay ang anak na babae ng kanilang pinuno.” Sinabi ni Walid o ng ibang tao sa isang salaysay ng Hadeeth na ito, “Natisod si Umm Jameel ang kanyang damit habang siya ay umiikot (tawaf) palibot ng Ka’bah at nagsabi, ‘Nawa’y masumpa ang mapanlait.’ Pagkatapos sinabi ni Umm Hakim bint ‘Abdul-Muttalib, ‘Ako ay isang mahinhin na babae kaya’t di ako magsasalita ng kalapastangan at ako ay dalisay kaya’t di ko alam. Pareho tayong mga anak ng iisang amain. At pagkatapos ng lahat, higit na alam (naman) ng Quraysh (kung ano ang katotohanan). Dito nagwawakas ang Tafseer ng Soorah na ito at lahat ng pagpupuri at biyaya ay ukol sa Allah lamang.
[1] Heto ang kompletong Isnaad: Sinabi ni Al-Bukhari na sinabi sa amin ni Muhammad ibn Salaam, na sinabi ni Abu Mu’aawiyah, na sinabi ni A’maash, na sinabi ni ’Umar bin Murrah, mula kay Sa’eed bin Jubair, mula kay Ibn ’Abbas.
[2] Isang labak (Valley) sa Makkah.
[3] Ang tribo ni Propeta Muhammad
[4] Saheeh Al-Bukhari 4972
[5] Saheeh Al-Bukhari (1394, 3525, 4801)
[6] Ang unang bahagi ng talata “Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab” ay isang panalangin laban kay Abu Lahab at ang pangalawang bahagi naman ng talata "maglaho siya! " ay isang impormasyon tungkol sa kanya.
[7] Isang tawagan ng mga Arabo na kung saan tinatawag ang isang tao ng “Ama ni” at dinudugtong ang pangalan ng unang anak. Ang una niyang anak ay si ‘Utaibah, kaya’t ang kanyang palayaw ay ‘Abu ‘Utaibah’. Subalit ginagamit din ang ganitong tawagan sa ibang kadahilanan bukod sa unang anak katulad ni Abu Hurairah (Ama ng kuting) etc.
[8] Isang katayuan ng kamangmangan. Ang kahulugan ng salitang Jaahiliyyah ay kamangmangan. Ginagamit din ang salitang Jaahiliyyah sa isang panahon bago pa man dumating ang Islam.
[9] Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban si Allah. Katagang binabanggit kapag ang tao ay papasok na sa relihiyong Islam.
[10] Sabians. The Sabians (Arabic: صابئة, Hebrew: צבאים) of Middle Eastern tradition were a monotheistic[1] religious group who worshipped in the names of stellar angels. Most of what is known of them comes from the writings of Maimonides and classical Arabic sources, notably ibn Waḥshiyya's The Nabatean Agriculture.http://en.wikipedia.org/wiki/Sabians
[11] Al-Musnad 4/341