Masjid Al Emadi in BinMahmoud, Doha Qatar
I-download sa PDF: http://viewer.zoho.com/docs/xF0Qj
Ito ay ipinahayag sa Makkah
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
Sa Ngalan ni Allah ang Mahabagin ang Maawain ]إِنَّا أَنزَلْنَـهُ فِى لَيْلَةِ الْقَدْرِ - وَمَآ أَدْرَاكَ مَا لَيْلَةُ الْقَدْرِ - لَيْلَةُ الْقَدْرِ خَيْرٌ مِّنْ أَلْفِ شَهْرٍ - تَنَزَّلُ الْمَلَـئِكَةُ وَالرُّوحُ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمْرٍ - سَلَـمٌ هِىَ حَتَّى مَطْلَعِ الْفَجْر[ِ
- Katotohanang Aming ipinanaog ang Qur’an sa Gabi ng Al Qadr
- At paano mo mapag-aalaman kung ano ang Gabi ng Al Qadr
- Ang Gabi ng Al Qadr ay higit na mainam sa isang libong buwan
- Dito ay bumababa ang mga anghel at Ruh sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon, hinggil sa Tadhana na ipinapasiya (sa lahat ng bagay)
- Sa buong Gabing ito ay mayroong Kapayapaan at Kabutihan hanggang sa pagdatal ng bukang liwayway
Sinabi ni Allah na Kanyang ipinadala ang Qur’an sa Gabi ng Al Qadr, at ito ay gabing puno ng biyaya na kung saan sinabi ni Allah,
شَهْرُ رَمَضَانَ الَّذِى أُنزِلَ فِيهِ الْقُرْآنُ
”Ang Ramadan ang buwan nang ipinahayag ang Qur’an” (2:185). Sinabi ni Ibn Abbas at ng iba pa na ”Ipinaaog ni Allah ang Qur’an sa kabuoan nito mula sa Al Lawh Al Mahfudh pababa sa Baytul ’Izzah, na nasa Kalangitan ng mundong ito. Pagkatapos nito, ito ay ibinababa ng baha-bahagi sa Sugo ni Allah ayon sa mga pangyayari na naganap sa loob ng dalawampu’t tatlong taon.” Dinakila ni Allah ang kalagayan ng Gabi ng Al Qadr na Kanyang pinili upang ipahayag ang Qur’an nang Kanyang sabihin, ]وَمَآ أَدْرَاكَ مَا لَيْلَةُ الْقَدْرِ - لَيْلَةُ الْقَدْرِ خَيْرٌ مِّنْ أَلْفِ شَهْرٍ[
”At paano mo mapag-aalaman kung ano ang Gabi ng Al Qadr. Ang Gabi ng Al Qadr ay higit na mainam sa isang libong buwan ”. Naitala ni Imam Ahmad na sinabi ni Abu Hurayrah “Kapag dumating ang Ramadan, Sinabi ng Sugo ni Allah,
«قَدْ جَاءَكُمْ شَهْرُ رَمَضَانَ، شَهْرٌ مُبَارَكٌ، افْتَرَضَ اللهُ عَلَيْكُمْ صِيَامَهُ، تُفْتَحُ فِيهِ أَبْوَابُ الْجَنَّةِ، وَتُغْلَقُ فِيهِ أَبْوَابُ الْجَحِيمِ، وَتُغَلُّ فِيهِ الشَّيَاطِينُ، فِيهِ لَيْلَةٌ خَيْرٌ مِنْ أَلْفِ شَهْرٍ، مَنْ حُرِمَ خَيْرَهَا فَقَدْ حُرِم»
“Katunayan na ang buwan ng Ramadan ay dumating na sa inyong lahat. Ang buwan na ito puno ng biyaya, na kung kalian na ginawa na obligado ni Allah sa inyo na mag ayuno. Sa panahong ito ang tarangkahan ng Paraiso ay bukas, at ang tarangkahan ng Impyerno ay sarado at ang mga demonyo ay nakagapos. Sa loob nito may isang gabi na mas mainam kaysa sa isang libong taon. Ang sinuman ang pinagkaitan ng kabutihan mulda dito ay talaga naming napagkaitan.” Itinala din ni An-Nasa’i ang hadith na ito. Bukod pa sa katotohanan na ang pagsamba sa Gabi ng Al Qadr ay katumbas sa pagsamba na isinasagawa sa loob ng isang libong taon, napatunayan din sa dalawang Sahih[1] na sinabi ng Sugo ni Allah, «مَنْ قَامَ لَيْلَةَ الْقَدْرِ إِيمَانًا وَاحْتِسَابًا غُفِرَ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِه»
(Ang sinuman na tamayo [sa pagdarasal] sa Gabi ng Al Qadr nang may pananampalataya at umaasa sa gantimpala, patatawarin sa kanya ang kanyang nagdaang mga kasalanan.) Ang pagbaba ng mga Anghel at ang Pagpasiya sa lahat ng kabutihan sa Gabi ng Al Qadr
[تَنَزَّلُ الْمَلَـئِكَةُ وَالرُّوحُ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمْرٍ ]
(Dito ay bumababa ang mga anghel at Ruh sa kapahintulutan ni Allah, hinggil sa Tadhana na ipinapasiya), ibig sabihin, nagsisipanaog ang pagkarami-raming anghel sa Gabi ng Al Qadr dahil sa masaganang biyaya nito. Ang mga anghel ay bumababa kasama ng mga bumababang biyaya at awa, tulad ng kanilang pagpanaog kapag ang Qur’an ay binabasa, kanilang pinapalibutan ang nagsasagawa ng Dhikr[2] at kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak dahil sa tunay na pag-galang sa mga nagsasaliksik ng kaalaman. Tungkol naman sa Ar-Ruh, sinasabi na ito ay si Anghel Gabriel. Tungkol naman sa salita ni Allah, [مِّن كُلِّ أَمْرٍ]
(hinggil sa Tadhana na ipinapasiya (sa lahat ng bagay). Sinabi ni Mujahid, “Kapayapaan sa lahat ng bagay”. Sinabi ni Sa’id bin Mansur, ’Sinabi sa amin ni ’Isa bin Yunus na sinalaysay sa kanila ni Al-A’mash na sinabi ni Mujahid tungkol sa salita ni Allah, [سَلَـمٌ هِىَ]
(May kapayapaan) “Ito ay kapayapaan na kung saan si Satanas ay di makakagawa ng kahit anumang kasamaan o kapinsalaan”. Sinabi ni Qatadah at ng iba na, “Ang mga bagay-bagay ay napagpasyahan sa panahong ito, at ang mga oras ng kamatayan at mga panustos ay sinusukat.” Sinabi ni Allah, [فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ ]
(Sa panahong ito itinakda ang lahat ng bagay-bagay na tinatakda.) (44:4). Sinabi ni Allah, [سَلَـمٌ هِىَ حَتَّى مَطْلَعِ الْفَجْرِ ]
(Sa buong Gabing ito ay mayroong Kapayapaan at Kabutihan hanggang sa pagdatal ng bukang liwayway). Sinabi ni Sa’id bin Mansur, “Sinabi sa amin ni Hushaym mula sa kay Abu Ishaq, na nagsalaysay tungkol sa Salita ni Allah, [تَنَزَّلُ الْمَلَـئِكَةُ وَالرُّوحُ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمْرٍ - سَلَـمٌ هِىَ حَتَّى مَطْلَعِ الْفَجْرِ ]
(Dito ay bumababa ang mga anghel at Ruh sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon, hinggil sa Tadhana na ipinapasiya (sa lahat ng bagay). Sa buong Gabing ito ay mayroong Kapayapaan at Kabutihan hanggang sa pagdatal ng bukang liwayway). ‘Ang mga anghel ay nagsisipagbati ng kapayapaan sa panahon ng Al Qadr sa mga tao sa Masjid hangga’t umabot ang bukang liwayway.’ Sinabi nina Qatadah at Ibn Zayd tungkol sa salita ni Allah, [سَلَـمٌ هِىَ]
(May Kapayapaan.) “Ibig sabihin ay lahat ng ito ay kabutihan ay walang kasamaan dito hangga’t sa umabot ang bukang liwayway. [1] Sahih Muslim at Sahih al Bukhari
[2] Pagalala kay Allah