Think Loud and outside the box; Connect the Dots; Point out the Elephant in the Roo; Hit the Keyboards; Edit later; I have recently changed my blog title from Think Out Loud to Musings from Bud Uwak. Bud Uwak literally means Crow Mountain as it is the place of origin of my family in Jolo Sulu.
Saturday, September 17, 2011
The Role of Righteous Spouse, Friends and Companion
Tuesday, July 26, 2011
Ang Pag-aayuno at ang Pang-espirituwal na Kadalisayan
Bismillah walhamdulillah wassalatu wassalamu ‘ala Rasoolillah
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُواْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
O kayong mga sumasampalataya! Iginawad sa inyo ang pag-aayuno katulad ng pag-gawad nito sa mga nauna sa inyo, nang sa gayon kayo ay maging mga Muttaqoon.
Ang layunin ng pag-aayuno ay upang magtamo ng Taqwa o a pagiging may kamalayan sa Diyos at pagkatakot kay Allah. Ang kakayanan upang masugpo ang mga pasaway na kalikasan ng sarili, sa isang banda, at ang pag-linang ng lakas ng sarili, sa kabilang banda, ay lubos na kailangan sa kaparaanan ng paglilinis ng kaluluwa. Ito ay dahil sa panahon ng pag-ayuno sa Ramadan, maraming mga pagkakataon, biyaya at mga kaparaanang maaring makamtan at magamit nang ang kaluluwa ay malinisan.
Una, ang pagpatawad ng kasalanan ay may positibong naidudulot sa paglinis ng kaluluwa. Ang pagipon ng mga kasalanan ng nagdaang taon ay nagdudulot sa kunsensya ng endless guilt at ang pakiramdam na ang kasalanan ay napapatawad ay nagbibigay ginhawa sa napapagod na puso. Hindi ka ba nagtataka na kung papaano hindi makatulog ang mga tao sagabi sapagkat sila ay nakapinsala sa iba o di kaya’y nakipag-away sa iba? Ang mabigat na pasanin na ito sa kaluluwa ng nananampalataya ay natatanggal kapag may pagkakasunduan na muli. Kagaya nito, si Allah swt, dahil sa kanyang awa, ay nagpapatawad sa mga nag-aayuno na nagsasanhi naman ng paghupa ng masamang pakiramdam mula sa kanyang nagdaang kasalanan laban kay Allah. Sinabi ni Propeta Muhammad:
من صام رمضان ايمنا و احتصابا غفر له ما تقدم من ذنبه
Ang sinuman ang nag-ayuno sa buwan ng Ramadan, habang siya ay may Iman at may Ihtisab, ang kanyang nagdaang kasalanan ay papatawarin para sa kanya.
Ang hadeeth na ito ay nagbanggit ng dalawang saligan/kundisyon upang mapatawad ang mga kasalanan. Una, ang nag-aayuno ay dapat na Mu’min. Ang Al- Ihtisab naman ay may tatlong kahulugan: pagkakaroon ng matatag na panindigan, pag-asa sa gantimpala at pagiging malugod sa gawain (ng pag ayuno) na hindi tinuturing na ang gawain na ito ay isang mabigat na pasanin.
Pangalawa, dapat ay maramdaman niya na gumagawa siya ng isang bagay na lubhang mahal at natatangi kay Allah. Ang bawat Gawain ng apo ni Adan ay katumbas ng sampu hanggang pitong daan bilang, liban lang sa pag-aayuno na gagawaran ng gantimpala ni Allah, Al Kareem ang Higit na Mapagbigay.
Pangatlo, dinadalisay ang espiritu ng pag-aayuno sa paglinang ng napakahalagang katangian ng pagkamatiisin. May tatlong uri ng pagiging matiisin: Pagiging matiisin sa pagtupad ng mga obligasyon, pagiging matiisin sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal at ang pagiging matiisin sa panahon ng kalamidad. Ang lahat ng tatlong ito ay nasasanay sa nag-aayunong tao sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga obligasyon ng mga gawain ng pag-aayuno, pag-iwas sa mga masasama, madudumi, walang saysay, at makasalanang mga gawain at ang pagigiing matiisin sa mga paghihirapan na maaring maganap habang nag-aayuno.
Pang-apat, ang pag ayuno ay nagpapaaalala sa tunay na dahilan ng paglikha at ng diwa ng Islam. Na sa pag-samba kay Allah, di maiiwasan na sumuko sa Kanyang Kagustuhan muna; na mauuna muna si Allah bago ang sariling hangarin. Lalo na sa mga nakatira sa mga bansang di-Muslim na nakakadama ng tukso na kung saan ang lahat ay kumakain at umiinom habang ikaw ay nagpipigil sa sarili dahil gusto mong sundin ang kagustuhan ni Allah.
Panglima, ang lahat ay tila bagang bumabagal sa buwan ng Ramadan (lalo na sa mga bansang Muslim), at karaniwan na (ang mga tao) ay walang lakas ng gumawa ng mga bagay na walang kabuluhan. Samakatuwid, magkakaroon ng maluwag na panahon ng mag-isip at mag-muni muni. Ito ay nagbibigay sa isang tao ng maraming panahon ma mag-isip tungko sa kanyang buhay at marahil sa mga kasamaan na kanyang nagawa.
Pang-anim, ang pagdama at pag-gawa ng isang gawain ay tunay na nagbibigay ng kasiguraduhan kaysa sa pag-saksi lamang. Ilang ulit na tayong nakakita ng mga larawan ng mga malnourish na bata as Afrika at nakadama tayo ng awa sa kanila, subalit di pa rin natin mararamdaman kung papaano magutom at makatikim ng sakit ng gutom sa ating tiyan. Ito ay dapat na magdudulot sa atin na maging mapagsalamat sa mga biyaya ni Allah.
Pangpito, ang pag-aayuno ay nakakatulong upang makamit natin ang ating potensyal bilang tao. Mayroong iilan sa atin na nag-iisip na ang mga obligasyon at ipinagbabawal sa Islam ay napakahirap o hindi maaring ipatupad lalo na sa mga di-Muslim na lipunan kaya’t ating hinahayaan ang ating sarili na gumawa ng mga Haram na gawain dahil iniisip natin na wala na tayong magagawa hinggil dito. Subalit sa Ramadan, hindi lang ang haram ang ating iniwasan, ngunit pati na rin ang Halal. Kung may kakayanan tayong umiwas sa mga pinapahintulutan, papaano pa kaya ang mga ipinagbabawal. Ito ay higit na totoo sa mga naninigarilyo! Katunayan ang pag-ayuno ay pagsasanay sa unti-unting pag-iwas sa nakakahumaling na epekto ng paninigarilyo.
Pangwalo, ay ang pagtungo kay Allah at pag-unawa ng pangangailangan sa Kanya. Kapag babawiin ni Allah ang ating pangunahing pangangailan bilang mga tao, sino ang makakatulong sa atin? Isipin natin na tatanggalin ni Allah ang ating panlasa o pagkabusog. Dahil tayo ay ipinanganak na buo ang ating pandama at mga kamay at paa, tayo ay nakakalimot na sa katiyakan ito ay hindi naman talaga atin. Ang katotohanang ito ay maliwanag na matutunghayan sa mga taong may sakit tulad ng Stroke na paralisa ang kalahati ng katawan. Ang kanyang kalahating katawan ay nakakabit parin sa kanya, nakikita niya ito, subalit hindi ito ay kayang igalaw at minsan ito pa ay hindi niya nararamdaman na nandoon pa rin. Subhanallah!
Pangsiyam, narinig na natin ang hadeeth ng Propeta: “Ang sinuman ang makapangako sa akin ng kung ano ang nasa pagitan ng kanyang balbas (dila) at ng nasa pagitan ng kanyang hita, aking ipapangako sa kanya ang paraiso”. Di mo ba nakikita? Ang pag-aayuno ay tumutulong sa atin na maging maingat sa ating mga sinasabi at maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa kabaro natin.
Pangsampu, pinapaalala sa atin ng pag-aayuno na hindi tayo narito upang kumain at uminom lamang; ika nga, ang ating pag-iral ay di lamang upang busugin ang ating makamundong hangarin; na nandito tayo para sa mas mataas na dahilan, at ito ay ang pagsamba kay Allah. Sa medaling salita, tayo ay kumakain di lamang upang tayo ay mabuhay subalit upang sumamba sa Manlilikha. Ito ay ang nag-bubukod sa atin mula sa mga moderno at secular na materiyalistik na tao na kumakain lamang upan mabuhay, o di kaya’y mas masahol pa, iilan sa kanila na nabubuhay lamang upang kumain.
Labing Isa, ang pag ayuno ay pagkakataon na mapatunayan natin kay Allah ang ating malinis na hangarin. Ang lahat ng uri ng pagsamba ay nakikita ng iba pati na ang pagkawang gawa na kung saan alam ng tumatanggap na may nag-bigay sa kanya ng patago. Subalit sa pag-aayuno, walang nakaalam kung totoo ngang nag-ayuno ka nga o patagong sumubo ng pagkain sa iyong bibig liban lamang si Allah. Ang kadalisayan sa gawain ay isang pangunahing pangangailangan sa pagtanggap ng mga gawain at tagumpay.
Labing Dalawa, natutulungan ng pag-aayuno ang sakit na ‘maghangad pa na marami’. Kapag mapag-isip isip lamang nga tao na siya ay nabubuhay sa isa’t kalahating kainan lamang sa isang araw, at ito lang ang kanyang tunay na pangangailangan. Ilan sa atin ang may ganitong sariling-gawa na pangangailangan, na gawa gawa lamang natin na ating pinaniniwalaan. Ilan sa atin ang nagsasabi na “Hindi ko kayang mabuhay kung walang smart phones o may V8 na sasakyan o tatlong palapag na bahay”? Ating ginagastos ang ating yaman sa mga bagay na hindi naman talaga pangangailangan.
Higit sa lahat, malaki ang papel ng Taqwa sa lahat ng ito. Itong lakas na gumawa ng mga ipinag uutos ni Allah, ang pagpipigil sa sarili na pumipigil sa atin upang maiwasan ang mga ipinagbabawal ni Allah sa atin, at itong pagmamahal kay Allah na nagdudulot sa atin na gumawa ng mga bagay higit pa sa Kanyang ipinag-uutos. Ang pag-ayuno sa Ramadan at ang Tarawih, ay nilalaman ang lahat ng ito, nililinis ang ating espiritu at ginagawa tayo na papalapit ng papalapit kay Allah. Sinabi ni Allah: “Ang sinuman ang may galit sa Aking kaibigan, ako ay nagpapahayag ng digmaan sa kanya. Napapalapit ang Aking alipin (tao) sa Akin sa pamamagitan ng pagtupad ng mga obligasyon na Aking iginawad sa kanya; at ang Aking alipin ay patuloy na papalapit sa Akin sa kanyang pag-gawa ng mga Sunnah na gawain hanggang siya ay Aking mahalin. At kapag mahal Ko na siya, Ako ay (nagiging) kanyang pandinig, ang kanyang paningin na kanyang nakikita, ang kanyang kamay na kanyang ginagamit, at ng kanyang paa na kanyang ipinanglalakad. Kapag siya ay hihingi sa Akin, tunay na pagbibigyan Ko siya, at kapag siya ay humingi ng kanlungan, Akin itong ibibigay sa kanya. (Bukhari)
Tuesday, July 19, 2011
My Idealism has ended but the Ideas have not
There was something nice about being young: naïve and carefree, the world at that time is a blank canvass, an undefined and boundless potential. The mind is fresh enough to perceive ideas, that are shape not by experience but by unbridled imagination. My lack of experience was compensated by insatiable hunger for information. And so I remember reading everything readable I can lay my eyes on, including the Green Book of Qadafi, supposedly, a ‘Muslim’ version of the Red Book or the Das Capital of Carl Marx.
And yes, I wanted to change the world, well, specifically Mindanao. The Bangsamoro narrative was slowly introduced to my pscyhe during the Ramos-Misuari era and SPCPD and what not. Thus I saw my self, primarily as somebody from the Bangsamoro – hence I wrote under the pen name “albangsamori”. With Armed Revolution romanticized by Che Guevara and Che Guevara Wannabes, and being influenced by that, I was furious and indignant that Misuari had to make a peace deal with the government. This belief (that we need war to achieve change), which I now believe to be misdirected, was reinforced by misunderstanding the Islamic methodology of Al Amru bil Ma’roof wa nahtu ‘anil Munkar (Enjoining what is good and forbidding what is bad).
Once I was with a wise man, Mr. Ibn Hajr Turabin, a father of a friend. He told me for Muslims to get back their homeland, they have to buy Mindanao (or some of its portion). It sounded like a joke to me then, but now, to me at least, it makes more sense than fighting an unwinnable fight.
And so the years gone by, and to my disappointment, the world has still not change. My idealism has waned. I no longer wanted to write using the pen of ‘albangsamori’.
Having said all these, I am aware that this shouldn’t stop me from communicating my ideas about my homeland.
Wednesday, April 06, 2011
Soorah Al-‘Asr – Fanar Curriculum
Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/pfPdbi
Soorah Al-‘Asr (103)
Pambungad
Ang Soorah Al-‘Asr ay ipinahayag sa Makkah at ang mga talata nito ay tatlong talata. Ito ay dumating nang may napaka-iksing ulat, upang ipaliwanag ang mga kadahilanan ng kaligayahan ng tao, at ang kanyang tagumpay sa buhay na ito, o di kaya’y kanyang pagkalugi at pagkasawi. Ang Allah ay nanumpa sa Al-‘Asr, ang panahon na kung saan nagwawakas dito ang bagay-bagay ng sangkatauhan. Ito ay naglalaman ng iba’t-ibang uri ng kamanghaan at aral na tumutukoy sa kapangyarihan at karunungan ng Allah, na ang sangkatauhan ay nasa kalugian at kakulangan, liban lamang sa mga nagtataglay ng mga apat na katangian, na nabanggit sa Soorah. Ang mga ito ay:
- Pananampalataya – Pag-gawa ng Mabuti - nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan - nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga. Ang mga katangian na ito ay itinuturing na bilang mga batayan ng kabutihan at saligan ng relihiyon. Nang dahil dito, sinabi ni Imam Ash-Shafi’ee (kaawaan nawa siya ng Allah): Kung hindi nagpanaog ang Allah ng iban Soorah liban sa Soorah na ito, sapat na ito sa sangkatauhan.
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
[وَالْعَصْرِ- إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ- إِلاَّ الَّذِينَ ءامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ-]
Transliteration
Bismillahir Rahmanir Raheem
Wal-‘Asr – Innal insaana lafee khusr – illalladheena aamanu wa ‘amilus saalihati wa tawaasaw bil haq wa tawaasaw bis-sabr.
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.)
Kahulugan ng mga Salita
Salita | Kahulugan |
Al-’Asr | Ang Panahon |
Khusr | Pagkaligaw at pagkasawi |
Aamanu | Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti |
As-Saalihaat | Mga gawang may kapakinabangan sa sangkatauhan at hindi magdudulot ng kapahamakan kahit kanino. |
Tawaasaw | Pagbibigay payo ng bawat isa |
Al-Haq | Lahat ng uri ng kabutihan |
As-Sabr | Lakas ng sarili upang pasanin ang kahirapan sa pag-gawa ng kabutihan at pag-iwas mula sa kasamaan. |
Kabuuoang Kahulugan
Sumumpa ang Allah sa panahon sa marangal na Soorah na ito, at ito ay ang paglipas ng panahon ng gabi at araw nang ganap at maayos na paraan. At ito ay ang panahon ng liwanag at kadiliman, tag-init at taglamig, at dito nagaganap ang gawa ng mga tao, maging ito man ay mabuti o masama. Ang ligaw at sawing tao ay may pagkiling patungong kasamaan. Kanyang sinusunod ang kanyang mga pagnanasa. At hindi dahil sa panahon siya ay pumasok sa kanyang pagkaligaw at pagkasawi sapagkat ang bawat sandali na lumilipas mula sa gulang ng tao ay nagsisilbing babala sa paglapit ng kanyang kamatayan.
Sinabi ng isang Manunula:
Tunay na tayo ay magalak sa mga araw na lumipas
Ang bawat araw na dumaan ay pagbabawas ng buhay
At walang makakaligtas sa pagkaligaw at pagkasawi liban lamang ang mga matapat sa Allah, at nananampalataya sa Kanyang mga Kapahayagan at mga Sugo, at nagsisipagsagawa ng Kabutihan na nagbibigay sa kanila ng pakinabang at hindi nagsasanhi ng kasamaan sa iba. Sila ay nag aanyaya sa bawat isa tungo sa pagsunod ng katotohanan, at pag-gawa ng kabutihan at sa pagsasanay sa sarili sa pag pasan ng mga kahirapan na magaganap sa pag-gawa ng kabutihan at pagpasan sa mga di kanais-nais dulot ng pag-iwas mula sa masamang pagnanasa at kasamaan.
Pagsasanay
1. Isulat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah.
(Al-insaan – Khusr – Amaanu – As-saalihaat – Bis-sabr)
Bismillahir Rahmaanir Raheem
(1) Wal ’Asr. (2) Inna _____ lafee _____. (3) Illalladheen ______ wa amilu ______ wa tawaasaw bil haqqi wa tawaasaw _________.
2. Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan
Salita | Kahulugan |
Al-’Asr | Pagkaligaw at pagkasawi |
Khusr | Ang Panahon |
Aamanu | Lahat ng uri ng kabutihan |
Al-Haq | Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti |
3. Sa ano sumumpa ang Allah sa umpisa ng marangal na Soorah?
4. Papaano magaganap ang kasayahan ng tao sa mundo at sa kabilang buhay?
a. _____________________________________________________
b. _____________________________________________________
c. _____________________________________________________
d_____________________________________________________
2. Magbanggit ng dalawang aral mula sa mga mararangal na talata ?
3. Mainam na isaulo ang Soorah Al-’Asr
Wednesday, March 30, 2011
Tafseer Soorah Al-Masad (111)
Tafseer ibn Katheer sa Wikang Filipino
Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/tpTa6
بسم الله الرحمن الرحيم
تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ (1) مَا أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ (2) سَيَصْلَى نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ (3) وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ (4) فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ (5)
Tafseer ng Soorah Tabbat (Al-Masad).
Ito ay ipinahayag sa Makkah.
Sa Ngalan ni Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
(1) Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab (ang tiyuhin g Propeta), maglaho siya! (2) Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya! (3) Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy! (4) Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong (mga tinik ng Sadan na kanyang iniuumang sa landas ng Propeta, o ang kanyang paninirang –puri sa Propeta) (5) Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (mga himaymay ng palmera).
Sinabi ni Al-Bukhari na sinabi ni Ibn ’Abbas[1]: Lumabas ang Propeta Muhammad r sa Al-Bathaa’[2] at siya ay umakyat sa bundok at nagtawag ”O mga tao, halika kayo ngayon din!” Nagtipon ang Quraish[3] sa paligid niya at sinabi niya: ”Kapag sasabihin ko sa inyo na lulusubin kayo ng inyong kaaway sa umaga o sa gabi, maniniwala ba kayo sa akin?” Sinabi nila: ”Oo”. Sinabi niya: ”Ako ay isang tagapag babala sa inyo sa isang masakit na kaparusahan na darating”. Sinabi ni Abu Lahab: ”Nang dahil ba dito kaya mo kami tinipon? Kasawian sa iyo!”. Kaya’t ipinahayag ni Allah ”Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab, maglaho siya!”[4]
Sa isang salaysay: Kanyang pinagpag ang kanyang kamay (na may alikabok) at nagsabi. ”Kasawian sa iyo sa buong araw na ito! Nang dahil ba dito kaya mo kami tinipon?” Kaya’t ipinahayag ni Allah ”Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab, maglaho siya!”[5]
Ang unang bahagi ay panalangin laban sa kanya at ang pangalawa ay pagbigay ng kaalaman tungkol sa kanya[6]. Si Abu Lahab ay isa sa mga amain ng Propeta Muhammad r at ang kanyang pangalan ay Abdul-‘Uzza bin ‘Abdul Muttalib at ang kanyang Kunya[7] ay Abu ’Utaibah. Siya ay tinawag na Abu Lahab dahil sa maaliwalas niyang mukha. Marami siyang nagawang pinsala sa Propeta r at matindi ang poot niya sa kanya, pag-alipusta sa kanya, at minamaliit niya siya at ang kanyang relihiyon.
Sinabi ni Imam Ahmad: salaysay ni Ibraahim bin Abee Al-’Abbas, mula kay ’Abdur-Rahman bin Abee Az-Zinaad, mula sa kanyang ama na nagsabi: Sinabi sa akin ng isang lalaki na ang pangalan ay Rabee’ah bin ’Abbaad mula sa tribo ng Ad-Dayl, sa panahon ng Jaahiliyyah [8] ngunit yumakap din sa siya Islam. Kanyang sinabi: ”Nakita ko ang Propeta r sa panahon ng Jaahiliyyah sa Pamilihan ng Dhu Al-Majaaz na nagsasabi: ’O mga tao sabihin niyo Laa ilaha illallaah[9] nangsagayon kayo ay magtagumpay’ at nagsitipon ang mga tao sa paligid niya. Sa kanyang likod ay isang lalaki na duling at may dalawang trintas ang buhok na nagsasabi: ”Siya ay isang sinungaling na Sabaa’i[10]”. Sinusundan niya siya kahit saan man siya mapunta. Nagtanong ako tungkol sa kanya at kanilang sinabi: ”Siya ay ang kanyang tiyuhin na si Abu Lahab”.
Itinala ni (Imam Ahmad) mula kay Suraij, mula kay Ibn Abee Ziyaad, mula sa kanyang ama, na nagbanggit din ng salaysay na ito. Sinabi ni Abu Ziyaad: ”Sinabi ko kay Rabee’ ’Bata ka pa ba sa panahon na iyon?’” Sinabi niya: ”Hindi, Wallahi, sa mga araw na yaon ako ang pinaka matalino at ang pinakamalakas na mag-ihip (ng plauta). Mag-isang nagtala ni Imam Ahmad sa salaysay na ito[11]. Tungkol naman sa salita ni Allah,
[مَآ أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ ]
(Ang kanyang kayamanan at mga anak (kasab) ay hindi niya mapapakinabangan!) Sinabi ni Ibn ‘Abbas at ng iba pa na,
[وَمَا كَسَبَ]
(At ang kanyang (kasab) ay hindi niya mapapakinabangan!)” Ang kahulugan ng ’kasab’ ay mga anak niya.” Magkatulad na salaysay ay naitala din mula kay ’Aishah, Mujaahid, ’Ata’, Al-Hasan at Ibn Sireen. Nabanggit mula ka Ibn Mas’ood na nang nagtawag ang Propeta r sa mga tao tungo sa kanyang pananampalataya, sinabi ni Abu Lahab, ”Kahit na totoo pa ang sinasabi ng aking pamangkin, tutubusin ko ang aking sarili sa pamamagitan ng aking mga anak.” Kaya’t ipinahayag ni Allah,
[مَآ أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ ]
(Ang kanyang kayamanan at mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya!) Pagkatapos sinabi ni Allah,
[سَيَصْلَى نَاراً ذَاتَ لَهَبٍ ]
Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy!
Ang Tadhana ni Umm Jameel, ang Asawa ni Abu Lahab
[وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ ]
(Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong) Ang kanyang asawa ay isa sa mga nangungunang babae sa Quraysh at siya ay kilala bilang Umm Jameel. Ang kanyang pangalan ay ‘Arwah bint Harb bin Umayyah at siya ay ang kapatid na babae ni Abu Sufyan. Tinatuguyod niya ang kanyang asawa sa di-pananampalataya, pag-tanggi at kasuwailan. Samakatuwid siya ay tutulong sa pag-lapat ng parusa niya (Abu Lahab) sa loob ng apoy ng Impyerno sa Araw ng Paghuhukom. Kaya’t sinabi ni Allah,
[وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ - فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(na nagdadala ng mga Panggatong. Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad) ang ibig sabihin ay, siya ay magdadala ng panggatong at ito ay ibabato niya sa kanyang asawa nang sa gayon lalong titindi ang kanyang kalagayan (kaparusahan), at siya ay handa at gayak na gagawin ito.
[فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad). Sinabi nina Mujaahid at ’Urwa, ” mga himaymay ng palmera ng Impyerno.” Nagsalaysay si Al-’Awfi mula kay Ibn ’Abbas, ’Atiyah Al-Jadali, Ad-Dahhak at Ibn Zayd na dati niyang gawi na maglagay ng mga tinik sa danaanan ng Sugo ni Allah r. Sinabi ni Al-Jawhari, ”Ang Al-Masad ay tumutukoy sa himaymay, at ito rin ay lubid na gawa sa himaymay ng palmera. Ito rin ay gawa mula sa balat ng kamelyo o di kaya’y mula kanilang balahibo. Sinasabi sa (wikang Arabe) Masadtul-Habla at Amsadhuhu Masadan, kapag mahigpit mong tinatali ang tali.” Sinabi ni Mujaahid,
[فِى جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ ]
(Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad) “Ang kahulugan nito ay isang kuwelyo na bakal.” Di mo ba nakikita na tinatawag ng mga Arabo ang kable ng kalo na Masad?
Ang Salaysay ng Asawa ni Abu Lahab na sinasaktan ang Sugo ni Allah r
Sinabi ni Ibn Abi Haatim na ang kanyang ama at si Abu Zur’ah ay nagsasabi si ‘Abdullah bin Az-Zubayr Al-Humaydi na sinabi sa kanila ni Sufyan na nagsalaysay si Al-Walid bin Katheer mula kay Ibn Tadrus na siya namang nagsalaysay mula kay Asma’ bin Abi Bakr na, “Nang,
[تَبَّتْ يَدَآ أَبِى لَهَبٍ]
…maihayag ang (Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab!), ang may isang-mata na si Umm Jameel bin Harb ay lumabas ng pataghoy, at siya ay bato sa kanyang kamay. Kanyang sinasabi, ‘Kanyang binabatikos at ating mga ninuno, ang kanyang relihiyon ay kinamumuhian natin, at ang kanyang utos ay sumuway sa atin’ Nakaupo ang Sugo ni Allah r at si Abu Bakr sa Masjid (ng Ka’bah) ay kasama niya. Nang Makita siya ni Abu Bakr sinabi niya, ‘O Sugo ni Allah! Papalapit na siya at nangangamba ako na makikita ka niya.’ Tugon ng Sugo ni Allah,
«إِنَّهَا لَنْ تَرَانِي»
(Tunay na hindi niya ako makikita) At kanyang binasa ang ilan samga talaga ng Qur’an upang mapangalagaan ang sarili niya. Ito ay katulad ng sinabi ni Allah,
[وَإِذَا قَرَأْتَ الْقُرءَانَ جَعَلْنَا بَيْنَكَ وَبَيْنَ الَّذِينَ لاَ يُؤْمِنُونَ بِالاٌّخِرَةِ حِجَابًا مَّسْتُورًا ]
(At nang ikaw (O Muhammad) ay dumadalit ng Qur’an, inilagay Namin sa iyon gpagitan at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ang hindi nakiktiang lambong.) (17:45). Kaya’t siya ay lumapit hangga’t siya ay nakatayo na sa harapan ni Abu Bakr at hindi niya nakita ang Sugo ni Allah r. Kaya’t sinabi niya, ‘O Abu Bakr! Tunay na ako ay nabalitaan na ang iyong kaibigan ay gumagawa ng mapanglait na tula tungkol sa akin! Tugon ni Abu Bakr, ‘Hindi! Sumpa ko sa Panginoon ng Bahay (Ka’bah) na ito, hindi ka niya nilalait.’ Kaya’t siya ay bumaling papalayo habang sinasabi, ‘Tunay na alam ng Quraish na ako ay ang anak na babae ng kanilang pinuno.” Sinabi ni Walid o ng ibang tao sa isang salaysay ng Hadeeth na ito, “Natisod si Umm Jameel ang kanyang damit habang siya ay umiikot (tawaf) palibot ng Ka’bah at nagsabi, ‘Nawa’y masumpa ang mapanlait.’ Pagkatapos sinabi ni Umm Hakim bint ‘Abdul-Muttalib, ‘Ako ay isang mahinhin na babae kaya’t di ako magsasalita ng kalapastangan at ako ay dalisay kaya’t di ko alam. Pareho tayong mga anak ng iisang amain. At pagkatapos ng lahat, higit na alam (naman) ng Quraysh (kung ano ang katotohanan). Dito nagwawakas ang Tafseer ng Soorah na ito at lahat ng pagpupuri at biyaya ay ukol sa Allah lamang.
[1] Heto ang kompletong Isnaad: Sinabi ni Al-Bukhari na sinabi sa amin ni Muhammad ibn Salaam, na sinabi ni Abu Mu’aawiyah, na sinabi ni A’maash, na sinabi ni ’Umar bin Murrah, mula kay Sa’eed bin Jubair, mula kay Ibn ’Abbas.
[2] Isang labak (Valley) sa Makkah.
[3] Ang tribo ni Propeta Muhammad
[4] Saheeh Al-Bukhari 4972
[5] Saheeh Al-Bukhari (1394, 3525, 4801)
[6] Ang unang bahagi ng talata “Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab” ay isang panalangin laban kay Abu Lahab at ang pangalawang bahagi naman ng talata "maglaho siya! " ay isang impormasyon tungkol sa kanya.
[7] Isang tawagan ng mga Arabo na kung saan tinatawag ang isang tao ng “Ama ni” at dinudugtong ang pangalan ng unang anak. Ang una niyang anak ay si ‘Utaibah, kaya’t ang kanyang palayaw ay ‘Abu ‘Utaibah’. Subalit ginagamit din ang ganitong tawagan sa ibang kadahilanan bukod sa unang anak katulad ni Abu Hurairah (Ama ng kuting) etc.
[8] Isang katayuan ng kamangmangan. Ang kahulugan ng salitang Jaahiliyyah ay kamangmangan. Ginagamit din ang salitang Jaahiliyyah sa isang panahon bago pa man dumating ang Islam.
[9] Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban si Allah. Katagang binabanggit kapag ang tao ay papasok na sa relihiyong Islam.
[10] Sabians. The Sabians (Arabic: صابئة, Hebrew: צבאים) of Middle Eastern tradition were a monotheistic[1] religious group who worshipped in the names of stellar angels. Most of what is known of them comes from the writings of Maimonides and classical Arabic sources, notably ibn Waḥshiyya's The Nabatean Agriculture.http://en.wikipedia.org/wiki/Sabians
[11] Al-Musnad 4/341
Monday, March 28, 2011
Soorah Al-Masad [Ang Himaymay ng Palmera] (111)
Minhaj Quran Level 1 - Fanar Curriculum
Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/ecXGah
Pambungad
Ipinahayag ang Soorah Al-Masad sa Makkah. Ito ay tinatawag din na Soorah Al-Lahab at ito ay nagsasalaysay tungkol sa pagkasira ni Abu Lahab na siyang may tatlong mga anak na lalaki na sina ‘Utbah, Mut’ab at ‘Utaybah. Yumakap sa Islam ang dalawang nauna sa araw ng pagsakop ng Makkah subalit si ‘Utaybah ay hindi nag-Muslim. Si Umm Khulthum, ang anak ng Sugo ni Allah na ay asawa niya (‘Utaybah) at ang kapatid niya (na si Ruqayyah) ay asawa naman ni ‘Uthbah. Nang inihayag ang Soorah (Al-Masad) ang katotohan (o ang kaparusahan) (kay Abu Lahab), sinabi ng ama nilang dalawa (‘Utaybah at ‘Utbah): Ang aking ulo sa inyong ulo ay haraam – ibig sabihin ay – Ni hindi ko kayo titingnan o kakausapin – kung hindi ninyo hihiwalayan ang mga anak ni Muhammad! Kaya’t kanilang hiniwalayan sila. Nang gustong maglakbay ni ‘Utaybah palabas sa Ash-Sham[1] kasama ng kanyang ama, sinabi niya: Tunay na pupuntahan ko si Muhammad upang saktan ang sarili niya at ang anyang relihiyon, kaya’t siya ay pumunta sa kanya at nagsabi: “O Muhammad, tunay na ako ay hindi naniniwala sa Wan-Najmu idhaa hawaa[2],” siya ay lumapit at yumuko at siya ay dumura sa harapan niya at hiniwalayan niya ang anak (ng propeta na si Umm Khultum). Kaya’t dumalangin ang Propeta laban sa kanya at nagsabi: (O Allah gapiin mo siya sa pamamagitan ng isa sa mga aso mo) kaya’t siya ay nilamon ng isang leon. Nasawi din sin Abu Lahab pagkatapos nangyari ang (Digmaan ng) Badr[3] nang siya ay nagkasakit ng nakakahawang sakit na tinatawag ng Al-‘Adasah. Walang lumalapit sa kanya sa loob ng tatlong araw hangga’t siya ay bumaho ng husto. Nang natakot na ang kanyang mga kasama sa hiya, sila ay naghukay para sa kanya ng isang hukay at kanila siyang itinulak dito gamit ay mahaba at makapal na tabla hangga’t siya ay nailagay dito. Sila ay nagtapon mga bato dito hangga’t siya ay nailibing dito. Wala ni isa na bumuhat sa kanya dahil sa takot nilang mahawa (ng sakit) at masawi katulad nang paano ipinaalam sa kanya ng Maluwalhating Qur’an at siya ay namatay ng isang napakasamang kamatayan. At ang kanyang asawa naman (na si Umm Jameel), ‘Arwraa’ Al-ula at siya ay tinawag na Umm Qabeeh (ang ina ng kapangitan/pangit) at siya ay binanggit sa Soorah Al-Masad bilang (nagdadala ng mga Panggatong) at siya ay nagdadala ng tinik na nakabigkis at tistle at ito ay kanyang kinakalat sa gabi sa landas ng Propeta, sallallaahu alaihi wa sallam upang saktan siya. Tunay siya ay mapagpahamak katulad ng kanyang asawa. Siya ay nagpapalaganap ng paninirang puri sa pagitan ng mga tao at siya ay nagsisilab ng apoy ng pagkapoot at awayan sa pagitan nila. Tanyag na siya ay may maluhong kwintas na alahas. Sinabi niya: Sumpa ko kay Al-Laat at ‘Uzza[4] ito ay aking igugugol sa pagpahamak kay Muhammad, kaya’t ito ay sinanhi sa kanya ni Allah na mapalupotan siya ng lubid sa leeg ng Masad sa impyerno.
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ ]
تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ (١) مَا أَغْنَى عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ (٢) سَيَصْلَى نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ (٣) وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ (٤) فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِّن مَّسَدٍ (٥)
(1) Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab (ang tiyuhin g Propeta), maglaho siya! (2) Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa kanya! (3) Tiyak na siya ay sisilaban sa Nagalagablab na Apoy! (4) Gayundin ang kanyang asawa na nagdadala ng mga Panggatong (mga tinik ng Sadan na kanyang iniuumang sa landas ng Propeta, o ang kanyang paninirang –puri sa Propeta) (5) Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (mga himaymay ng palmera).
Kahulugan ng mga Salita
Salita | Kahulugan |
Tabbat yadaa abee lahab | Panalangin laban kay Abu Lahab sa pagkasira niya at pagkalugi niya |
Watabb | At siya ay nasira at nalugi nga ng tunay |
Maa agh-naa ’anhu maaluhu | Hindi niya napakinabangan ang kanyang kayamanan kahit sa anumang bagay |
Wa maa kasab | Kung ano ang ginawa niya laban sa propeta |
Sayaslaa naaran dhaata lahab | Siya ay susunugin sa napakainit ng apoy |
Hammaa latal hatab | Magsanhi ng katiwalian sa pagitan ng mga tao |
Masad | Himaymay ng palmeras |
Kabuoang kahulugan
Ang diin ng pinagpalang Soorah na ito ay umiikot sa pagkasira ni Abu Lahab, ang kalaban ni Allah subahanahu wataala at ng Kanyang marangal na Sugo, sallallaahu alaihi wasallam. Tunay na si Abu Lahab ay matinding kaaway ng Sugo ni Allah. Kanyang sinisiyasat ang bawat hakbang ng Propeta upang sirain ang pag-anyaya niya (sa mga tao tungo sa Islam) at hadlangan ang mga tao sa pananampalataya dito. At siya ay napangakuan ni Allah sa Soorah na ito ng naglalagablab na apoy, katulad din ng pagpangako ni Allah sa asawa ni Abu Lahab na si Umm Jameel na siya namang nagpapalaganap ng paninirang puri at kasiraan sa pagitan ng Propeta at tribo (ng Quraish) upang hindi sila maniwala sa kanya kapag siya ay mag-anyaya sa kanila sa Islam. Kaya’t sina Abu Lahab at ng kanyang asawa ay nilipol ni Allah at ginawa silang babala sa lahat ng kumakalaban sa Propeta o di kaya’y kumalaban sa kanyang Relihiyon.
Pagsasanay
1 Isulat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah. (Yadaa – Lahab – Agh-naa – Sayaslaa – Hablun)
Bismillahir Rahmaanir Raheem
(1) Tabbat _____ Abee _____ Watabb. (2) Maa ___ ’anhu maaluhu wa maa kasab. (3) _____ naaran dhaata lahab. (4) wam-raatuhu hammalatal hatab. (5) Fee jeediha ____ min masad.
2 Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan
Tabbat yadaa abee lahab | At siya ay nasira at nalugi nga ng tunay |
Watabb | Panalangin laban kay Abu Lahab sa pagkasira niya at pagkalugi niya |
Maa agh-naa ’anhu maaluhu | Kung ano ang ginawa niya laban sa propeta |
Wa maa kasab | Hindi niya napakinabangan ang kanyang kayamanan kahit sa anumang bagay |
Hammalatal hatab | Himaymay ng palmeras |
Masad | Magsanhi ng katiwalian sa pagitan ng mga tao |
3 Ano ang nais na ipagawa ni Abu Lahab sa kanyang dalawang anak na si ‘Utbah at ‘Utaibah pagkatapos naipahayag ang Soorah Al-Masad ?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4 Ano ang sinabi ni ‘Utaybah sa Sugo ni Allah sallallaahu ‘alaihi wa sallam ?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5 Magbanggit ng dalawang aral mula sa mga mararangal na talata ?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Araling Pambahay
Mainam na isaulo ang Soorah Al-Masad.
[1] Syria, Palestine, Jordan.
[2] Soorah An-Najm (53). Alalaong baga, hindi siya naniniwala na ang Qu’ran ay salita ni Allah.
[3] Ang unang digmaang naganap sa pagitan ng mga Muslim at mga Paganong Quraish.
[4] Dalawang diyos-diyosan na sinasamba ng mga Quraish bago dumating ang Islam.
Wednesday, March 23, 2011
Tafseer Soorah An-Nasr
Tafseer Ibn Katheer sa Wikang Filipino
Download PDF: https://viewer.zoho.com/docs/wXc9S
Ito ay ipinahayag sa Madeenah
Ang mga kabutihan ng Soorah An-Nasr
Dati ng nabanggit na ang Soorah An-Nasr ay katumas ng ¼ ng Qur’an at ang Soorah Az-Zalzalah na ¼ din ng Qur’an. Itinala ni An-Nasaa’i mula kay ’Ubaydullah bin ’Abdullah bin ’Utbah na sinabi sa kanya ni Ibn ’Abbas, ”O ’Utbah! Alam mo ba ang huling Soorah ng Qur’an na naipahayag?” Kanyang sagot, “Oo, it ay
[إِذَا جَآءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ ]
(Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay) (110:1). Sinabi ni Ibn ’Abbas, ”Ikaw ay nagsalita ng katotohanan.”
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
[إِذَا جَآء نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ- وَرَأَيْتَ النَّاسَ يَدْخُلُونَ فِى دِينِ اللَّهِ أَفْوجاً- فَسَبّحْ بِحَمْدِ رَبّكَ وَاسْتَغْفِرْهُ إِنَّهُ كَانَ تَوبَا-]
Sa Ngalan ni Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
1. Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay
2. At iyong napagmasdan ang mga Tao na nagsisipasok sa Relihiyon ni Allah nang maramihan.
3. Kaya’t ipagbunyi mo ang mga Papuri sa iyong Panginoon at manalangin na igawad Niya ang Kanyang Kapatawaran. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi at nagpapatawad.
Ipinaalam ng Soorah na ito ang pag-tatapos ng buhay ng Sugo ni Allah
Naitala ni Al-Bukhari mula kay Ibn ’Abbas na sinabi niya, ”Nakagawian nang dinadala ako ni ’Umar sa mga pagtitipon ng mga matatanda (na nakalahok sa digmaan) ng Badr. Subalit tila baga na may isa sa kanila ang nakaramdan sa kanyang sarili (laban sa aking pagdalo). Kaya’t kanyang sinabi, ”Bakit mo dinadala (ang batang) ito na kasama natin samantalang may mga anak naman kami katulad niya (ng gulang). Tugon ni ’Umar, ’Tunay na siya ay mula sa mga kilala ninyon’. Isang araw nagpaunlak siya sa kanila at inimbita ako na maupo kasama nila at sa aking palagay, inimbita lamang niya ako sa araw na iyon para lamang may maipakita sa kanila. Sinabi niya, ‘Ano ang inyong masasabi sa salita ni Allah,
[إِذَا جَآءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ ]
(Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay). Sinabi ng ilan sa kanila, ’Tayo ay inatasang magpunyagi kay Allah at humingi ng Kanyang kapatawaran dahi sa Kanyang pagtulong sa atin at pagbigay sa atin ng tagumpay.’ Ang iba naman sa kanila ay tahimik at hindi nagsalita ng kahit ano pa. Pagkatapos, sinabi ni ’Umar sa akin, ’Ito rin ba ang sinasabi mo, O Ibn ‘Abbas ?’ Ang sabi ko, ‘Hindi .’ Sinabi niya, ‘Ano ang iyong masasabi’. Sinabi ko, “Ito ay ang pagtatapos ng buhay ng Sugo ni Allah na pinapaalam sa kanya ni Allah. Sinabi ni Allah,
[إِذَا جَآءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ ]
(Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay) na ang ibig sabihin ay ito ay palatandaan mula sa iyong panginoon na malapit ng magtatapos ang iyon buhay
[فَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ وَاسْتَغْفِرْهُ إِنَّهُ كَانَ تَوِبَا ]
(Kaya’t ipagbunyi mo ang mga Papuri sa iyong Panginoon at manalangin na igawad Niya ang Kanyang Kapatawaran. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi at nagpapatawad.)’ Kaya’t sinabi ni ‘Umar ibn Al-Khattab, ‘Wala na akong alam tungkol dito bukod sa sinabi mo.” Mag-isang nagtala si Al-Bukhari nito. Naitala ni Imam Ahmad mula kay Ibn ‘Abbas, “Nang,
[إِذَا جَآءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ ]
(Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay) ay naipahayag, sinabi ng Sugo ni Allah
«نُعِيَتْ إِلَيَّ نَفْسِي»
(Ang aking kamatayan ay naihayag na sa akin). Tunay na siya ay namatay sa taon na iyon.” Si Ahmad ay mag-isang nagtala ng hadeeth na ito. Itinala ni Al-Bukhari na sinabi ni ‘Aishah, “Sinasabi parati ng Sugo ni Allah sa kanyang pagyukod at pagpatirapa,
«سُبْحَانَكَ اللَّهُمَّ رَبَّنَا وَبِحَمْدِكَ اللَّهُمَّ اغْفِرْ لِي»
(Luwalhatiin Ka, O Allah ang aming Panginoon, lahat ng pagpunyagi ay para sa Iyo. O Allah patawarin mo po ako.) Ito ay kanyang ginawa bilang pagganap ng kahulugan ng Qur’an.” Ito ay itinala ng Grupo[1] liban kay At-Tirmidhee. Itinala ni Imam Ahmad mula kay Masruq na sinabi ni ‘Aishah, “Parating binabanggit ng Sugo ni Allah sa mga huling araw ng kanyang buhay ang,
«سُبْحَانَ اللهِ وَبِحَمْدِهِ، أَسْتَغْفِرُ اللهَ وَأَتُوبُ إِلَيْه»
(Luwalhatiin si Allah, purihin Siya, Ako ay humihingi ng Kanyang kapatawaran at ako ay Nagsisisi at nanumbalik sa Kanya.) At sinabi niya,
«إِنَّ رَبِّي كَانَ أَخْبَرَنِي أَنِّي سَأَرَى عَلَامَةً فِي أُمَّتِي، وَأَمَرَنِي إِذَا رَأَيْتُهَا أَنْ أُسَبِّحَ بِحَمْدِهِ وَأَسْتَغْفِرَهُ، إِنَّهُ كَانَ تَوَّابًا، فَقَدْ رَأَيْتُهَا:
[إِذَا جَآءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ - وَرَأَيْتَ النَّاسَ يَدْخُلُونَ فِى دِينِ اللَّهِ أَفْوَجاً - فَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ وَاسْتَغْفِرْهُ إِنَّهُ كَانَ تَوِبَا ]»
(Tunay na sinabi sa akin ng aking Panginoon that matutunghayan ko ang isang palatandaan sa aking Ummah at inatasan Niya ako na kapag nakita ko na ito, Siya ay aking luluwalhatiin at humingi ng Kanyang kapatawaran, sapagkat Siya lamang ang tumatanggap ng pagsisisi. At tunay na ito ay nakita ko na. (Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay. At iyong napagmasdan ang mga Tao na nagsisipasok sa Relihiyon ni Allah nang maramihan. Kaya’t ipagbunyi mo ang mga Papuri sa iyong Panginoon at manalangin na igawad Niya ang Kanyang Kapatawaran. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi at nagpapatawad.) Itinala din ni Muslim ang Hadeeth na ito. Ang kahulugan ng Al-Fath ay ang pagsakop ng Makkah at isa lamang ang pananaw tungkol dito. Tunay na ang mga iba’t-ibang lugar ng Arabia are naghihintay lamang ng pagsakop ng Makkah bago sila yayakap sa Islam. Sabi nila, ”Kung siya (Muhammad) ay magwawagi laban sa kanyang nasyon, siya ay isang (tunay) na propeta.” Kaya’t nang siya ay binigyan ni Allah ng tagumpay sa Makkah, sila ay nagsipasok sa Relihiyon ni Allah ng dagsaan. Kaya’t hindi tumagal ng dalawang taon (pagkatapos ng pagsakop ng Makkah) bago’t napuno ng pananampalataya ang tangway ng Arabe. At walang natirang mga tribo ng mga Arabo kundi sila ay tumanggap ng Islam. Lahat ng puri at biyaya ay kay Allah. Itinala ni Al-Bukhari sa kanyang Sahih[2] na sinabi ni ’Amr bin Salamah, ”Nang masakop ang Makkah, lahat nang tao ay nagmadaling pumunta sa Sugo ni Allah upang tanggapin ang Islam. Maraming mga lupain na inaantala ang kanilang pagtanggap ng Islam hanggang sa pagsakop ng Makkah. Sinasabi ng mga tao, ’Pabayaan mo siya at ang kanyang mga kasamahan. Kapag siya ay magtatagumpay laban sa kanila, siya nga ay (totoong) propeta.” Nasuri na natin ang ekspedisyon ng mga digmaan sa pagsakop ng Makkah sa ating aklat As-Surah. Samakatuwid ang sinumang magnais ay kanya itong suriin doon. At lahat ng pagpuri at biyaya ay kay Allah. Itinala ni Imam Ahmad mula kay Abu ‘Ammar na may isang kapitbahay ni Jabir ibn ‘Abdullah ang nagsabi sa kanya, “Bumalik ako galing sa isang paglalakbay at ako pinuntahan at binati ni Jabir bin ‘Abdullah. Kaya’t nagsimula akong magsalita sa kanya tungkol sa pagkawatak watak na nangyayari sa mga tao at kung ano ang sinimulan nilang gawin. Kaya’t umiyak si Jabir at sinabi niya, ‘Narinig ko na nagsabi ang Sugo ni Allah,
«إِنَّ النَّاسَ دَخَلُوا فِي دِينِ اللهِ أَفْوَاجًا، وَسَيَخْرُجُونَ مِنْهُ أَفْوَاجًا»
(Tunay na ang mga tao ay nagsipagpasok sa Relihiyon ni Allah ng dagsaan, sila ay magsisilisan din ng dagsaan.) At dito nagtatapos ang Tafseer ng Soorah An-Nasr, at lahat ng papuri at biyaya ay sa Allah lamang.
[1] Grupo ng nagtatala ng Hadeeth na sina Al-Bukhari, Muslim, Abu Dawud, At-Tirmidhee, Ibn Majah, An-Nasa’i at Ahmad. Ito ay pag-grupo na ginawa ng isang dalubhasa sa Hadeeth si Al-Haafidh Ibn Haajar Al-‘Asqalaani.
[2] Sahih Al-Jaami’ ang pangalan ng mga hadeeth na tinipon ni Imam Bukhari. Ito ay mas kilala bilang Sahih Bukhari.
Tuesday, March 22, 2011
Soorah An-Nasr – Fanar Curriculum
Masjid in Souq Najada, Doha Qatar
Download PDF here: https://viewer.zoho.com/docs/wdzcQe
Soorah An-Nasr (110)
Ipinahayag ang Soorah An-Nasr sa Madeenah at ito ay nagsasalaysay tungkol sa pagpapalaya ng Makkah[1] na sa pamamagitan nito mga Muslim ay naging makapangyarihan at dakila. At ito ay nakatulong sa paglaganap ng Islam sa Tangway ng Arabe[2]. Ito ay naging dahilan din ng pag pungos ng kuko ng Shirk at pagkaligaw. Nang dahil sa hayag na pagkapanalo na ito, nagsipagpagsok ang mga tao sa Relihiyon ni Allah subhanahu wa taala. Umangat ang watawat ng Islam at naglaho ang pananampalataya sa mga diyos-diyosan. Ang pagpahayag ng balita ng pagpalaya sa Makkah bago pa man ito naganap ay isa sa mga malakas na patunay ng katapatan ng pagka-propeta ni Propeta Muhammad sumakanya nawa ang biyaya at kapayapaan.
Sa Ngalan ni Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
- Kapag dumatal (sa iyo, O Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay
- At iyong napagmasdan ang mga Tao na nagsisipasok sa Relihiyon ni Allah nang maramihan.
- Kaya’t ipagbunyi mo ang mga Papuri sa iyong Panginoon at manalangin na igawad Niya ang Kanyang Kapatawaran. Katotohanan, Siya ang tumatanggap ng pagsisisi at nagpapatawad.
Mga Kahulugan ng mga Salita
Mga Salita Kahulugan
Nasrullah Pagkapanalo ng Relihiyon ni Allah
Al-Fath Pagbukas ng mga puso ng tao sa pagyakap ng Islam o Pagpalaya sa Makkah
Deenillah Ang Relihiyong Islam
Afwaaja’ Pagkarami rami (Grupo-grupo)
Fasabbih bihamdi rabbika Gunitain mo ang iyong Panginoon na tumupad sa kanyang pangako sa pamamagitan ng patulong sa iyo, at magpasalamat ka sa Kanya dahil sa pag-gabay Niya sa mga tao sa Relihiyong Islam.
Wastaghfirh Humingi ka ng kapatawaran mula sa Kanya na at para sa iyong mga kasamahan na nagbagabag sa kanilang sarili dahil sa pagka antala ng kanilang pagwawagi.
Tawwaabah Ang labis na tumatanggap ng pagsisisi ng Kanyang mga alipin.
Ang Pangkalahatang Kahulugan
Sa soorah na ito, nagbigay ng mabuting balita si Allah sa Kanyang sugo tungkol sa pagsakop at pagpalaya ng Makkah. Inatasan din Niya (ang Kanyang propeta) na maging mapagpasalamat sa biyaya ng pagpasok ng mga tao sa Relihiyon ni Allah ng maramihan. Sapagkat marami sa kanila ay mula sa kanyang kapamilya at tagataguyod na dati rati ay kanyang mga kaaway. Tunay na nagsipasok ang mga Arabe sa Islam ng walang nangyaring digmaan at patayan at hindi tumagal ng dalawang taon pagkatapos ng pagsakop sa Makkah nanaig ang Al Iman (pananampalatayang Islam) sa Tangway ng Arabe. Nais lamang ni Allah mula sa Kanyang sugo na purihin Siya at dakilain Siya at pasalamatan Siya sa biyayang ito. At siya ay nagpasalamat sa Kanya sa pagwawagi sa kanyang mga kaaway at siya ay humingi sa Kanya ng kapatawaran para kanya at sa kanyang Ummah[3]. Pinapahiwatig ng Soorah An-Nasr ang malapit nang pagkamatay ng Propeta sallallahu alaihi wa sallam kaya naman tinawag itong Soorah ng Pamamaalam. Nang ito ay naihayag sinai ng Propeta sallallahu alaihi wa sallam kay Aishah (Nakikita ko na ito ay walang iba kundi ang aking katapusan). Sinabi ni Ibn ‘Umar (Ipinahayag ang Soorah na ito sa Mina[4] sa Hujjah al Widaa’[5] at pagkatapos nito ipinahayag naman ang banal na talata (Sa Araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyion[6]). Nabuhay pa ng walumpu’t araw ang Propeta pagkatapos nito pagkatapos siya ay pumanaw na (at sumama) sa Samahan ng mga Matataas)[7].
Pagsasanay
1. Isuat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah.
(Nasr – An-Naas – Afwaajaa’ – Istaghfir – Tawwaabaa’)
Bismillahir Rahmanir Raheem
(1) Idhaa jaa-a nasrullahi wal fath. (2) Wa raayta ______ yadkhuloona fee deenillahi _______. (3) Fasabbih bihamdi rabbika wa _______. (4) Innahu kaana __________.
2. Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan
Nasrullah Pagbukas ng puso ng mga tao sa pag tanggap sa Islam
Al-Fath Pagwawagi ng Relihiyong Islam
Deenillah Maramihan
Afwaajaa’ Ang relihiyong Islam
Fasabbih bihamdi rabbika Gunitain mo ang iyong Panginoon na tumupad sa Kanyang pangako sa pagtulong sa iyo at magpasalamat ka sa kanyang pag-gabay sa mga tao sa relihiyong Islam
3. Ano ang ibinigay na mabuting balita ni Allah sa Kanyang marangal na Propeta?
4. Ano ang iniutos ni Allah sa Kanyang marangal na Propeta?
5. Magbanggit ng dalawang bagay na tinuturo ng Soorah na ito
Araling Pambahay
Mainam na isaulo ang Soorah An-Nasr.
[1] Nasakop na ng Propeta at ng kanyang kasamahan ang Makkah
[2] Arabian Peninsula
[3] Mga nanampalataya sa Islam
[4] Isa sa mga lugar sa Makkah na kung saan ginaganap ang Hajj
[5] Ang Hajj na pamamalaam. Ang huling Hajj ng propeta Muhammad.
[6] Soorah Al-Maa’idah (5) : 2
[7] Rafeeq Al-A’la (Company of the Highest in paradise)
Thursday, March 17, 2011
Soorah Al-Ikhlas
Soorah Al-Ikhlas
Download dito: http://viewer.zoho.com/docs/hcEdbdh
Kurikulum sa Qur’an Level 1
Pambungad
Ang Soorah Al-Ikhlas ay ipinahayag sa Makkah, at ang mga talata nito ay apat na talata, at ito ay nagpapahayag tungkol sa katangian ni Allah na Ang Tanging Nag-iisa, ang Kabuoan ng Ganap na Katangian, malaya mula sa mga katangiang may pagkukulang, ang Walang Pangangailangan mula sa kahit anuman. Pinasinungalingan ni Allah (subhanahu wa taala)[1] sa pamamagitan ng Soorah Al-Ikhlas ang mga Kristiyano na nagsasabi ng Trinidad, at sa mga sumasamba sa diyos-diyosan na nagturing kay Allah ng mga supling at kamag-anak.
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ ]
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ - اللَّهُ الصَّمَدُ - لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ - وَلَمْ يَكُنْ لَّهُ كُفُواً أَحَدٌ ]
(Ipagbadya (O Muhammad): “Siya si Allah, ang Nag-iisa. Allahus-Samad! (Si Allah ang Walang Hangan, ang Sakdal at Ganap) Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak. At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad.”)
Mga Kahulugan ng mga Salita
Salita Kahulugan
Allah Ang Diyos na sinasamba
Ahad (Nag-iisa) Nag-iisa na wala nang ibang Panginoon liban Niya
As-Samad Ang Panginoon
Lam Yalid Wala Siyang anak na lalaki o babae
Lam Yoolad Wala Siyang ama o ina
Kufuwan Kapantay o Katulad
Ang Pangkalahatang Kahulugan
Hinihingi ni Allah mula sa kanyang marangal na Propeta na sabihin sa mga manunuyang Mushrikeen[2] na ang aking Panginoon na aking sinasamba, na kung saan ko kayo inaanyaya sa pagsamba sa Kanya, Siya ay ang Nag-iisa ang Natatangi, wala Siyang katambal at wala Siyang katulad, at walang katulad sa Kanyang Sarili at Kanyang katangian at sa Kanyang mga gawa. Sapagkat Siya ay Nag-iisa ang Natatangi, hindi katulad ng pag-uusig ng mga Kristiyano at sa kanilang paniniwala sa Trinidad (Ang Amah, anak at Espiritu Santo), at hindi rin katulad ng panananampalataya ng mga Mushrikeen na
maraming diyos. Nabanggit sa Aklat na At-Tasheel li ‘uloom at Tanzeel[3](Alamin mo na si Allah ay nagkatangian ng Al Waahid (Ang Nag-iisa) at ito ay may maraming kahulugan. Una, Siya ay Nag-iisa at walang pangalawa na kasama Niya at ito ay nagtatanggi ng (katangian) ng pangmaramihan. Pangalawa, Siya at Nag-iisa at walang Siyang kapantay. Pangatlo, Siya ay Nag-iisa at hindi nababahagi. Ang Layunin ng kabanata (na ito) ay pagtanggi ng Shirk[4] bilang sagot sa mga Mushrikeen. Si Allah ay nagtatag sa Banal na Qur’an ng maraming mga patunay tungkol sa Kanyang Kaisahan. Dahil si Allah ay walang katulad, hindi maaring maykaroon Siya ng anak sapagkat ang pagkakaroon ng anak ay hindi maari kapag wala Siyang asawa. Siya ay hindi ipinanganak mula ama at ina sapagkat lahat ng ipinanganak ay may simula at si Allah ay Nauna na hindi nilikha kaya’t hindi tama na Siya ay ipapanganak at magkakaroon Siya ng anak sapagkat Siya ay ang Nauna at wala nang mas nauna pa sa Kanyang pag-iral. Wala Siyang katambal o kapantay o katulad ni isa mula sa Kanyang nilikha, sa Kanyang Sarili, sa Kanyang katangian, at sa Kanyang gawa.
Pagsasanay
1. Isuat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang lugar mula sa mahalagang Soorah.
(Ahad – As Samad – Yalid – Yoolad – Kufuwan)
Bismillahir Rahmanir Raheem
Qul Huwallahu ______ (1) Allahu ______ (2) Lam _____ wa lam Yoolad (3) Wa lam yakul lahu ____ ahad (4)
2. Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan
Ahad Ang Panginoon
As-Samad Nag-iisa na wala nang ibang Panginoon liban Niya
Lam Yalid Kapantay o Katulad
Kufuwan Wala Siyang anak na lalaki o babae
3. Magbanggit ng tatlong katangian ng mga katangian ni Allah.
4. Ipaliwanag ang pananampalatayang Trinidad ng mga Kristiyano.
5. Magbanggit ng dalawang pag-gagabay mula sa mga mahalagang Soorah.
Araling Pambahay
Isaulo ang Soorah Al-Ikhlas ng mainam na pagkabisa.
[1] Luwalhatiin Siya, ang Kataastaasan
[2] Mga nagsasagawa ng Shirk: mga sumasamba sa diyos-diyosan, mga pagano.
[3] Isang Aklat
[4] Pagtambal sa Allah ng ibang diyos-diyosan
Tafseer Soorah Al-Ikhlas
Tafsir Ibn Kathir sa Wikang Filipino
I download sa PDF file: http://viewer.zoho.com/docs/ndkdg
Ito ay ipinahayag sa Makkah
Ang dahilan kung bakit naipahayag ang Soorah na ito at mga kabutihan nito
Naitala ni Imam Ahmad mula kay Ubayy bin Ka’b na sinabi ng mga Mushrikoon[1] sa Propeta na, ”O Muhammad! Sabihin mo sa amin ang lahi ng iyong Panginooon.” Kaya’t ipinahayag ni Allah
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ - اللَّهُ الصَّمَدُ - لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ - وَلَمْ يَكُنْ لَّهُ كُفُواً أَحَدٌ ]
(Ipagbadya (O Muhammad): “Siya si Allah, ang Nag-iisa. Allahus-Samad! (Si Allah ang Walang Hangan, ang Sakdal at Ganap) Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak. At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad.”) Ito ay katulad ng naitala ni At-Tirmidhi at Ibn Jarir at sa kanilang salaysay, kanilang dinagdag,
[الصَّمَدُ]
“Ang (As-Samad) ay Ang Siya na hindi nagkakaanak, ni hindi rin Siya ipinanganak, sapagkat walang ipinanganak nang hindi namamatay, at walang namamatay nang hindi nag-iiwan ng mana, at tunay na si Allah ay hindi namamatay at hindi nag-iiwan ng kahit anong mana.
[وَلَمْ يَكُنْ لَّهُ كُفُواً أَحَدٌ ]
(At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad). Ang ibig sabihin nito ay wala Siyang kapareho, wala Siyang kapantay, at wala kagaya niya sa kahit anumang paraan.” Ito ay naitala din ni Ibn Abi Hatim at ito ay nabanggit bilang isang Mursal[2] na uri ng salaysay. Sinabi ni At-Tirmidhi, “At ito ang pinaka tama sa lahat.”
Isang Hadith tungkol sa Kabutihan nito
Nagsalaysay si Al-Bukhari mula kay ‘Amrah in ‘Abdur-Rahman, na dating nanatili sa bahay ni ’Aishah, ang asawa ng Propeta, na sinabi ni ’Aishah, ”Nagpadala ang Propeta ng isang lalaki bilang komandante sa isang digmaan at siya ang Imam ng kanyang mga kasama sa pagdarasal na may pagbigkas (ng Qur’an). Kanyang winawakasan ang kanyang pagbigkas sa pagbigkas ng ‘(Ipagbadya (O Muhammad): “Siya si Allah, ang Nag-iisa). Nang sila ay umuwi na, ito ay kanilang binanggit sa Propeta at sinabi niya,
«سَلُوهُ لِأَيِّ شَيْءٍ يَصْنَعُ ذَلِكَ؟»
(Tanungin ninyo siya kung bakit niya ginagawa yaon). Kaya’t tinanong nila siya at sinabi niya, ‘Dahil ito ay ang paglalarawan sa Ar-Rahman at mahal ko na bigkasin ito. Kaya’t sinabi ng Propeta
«أَخْبِرُوهُ أَنَّ اللهَ تَعَالَى يُحِبُّه»
“(Sabihin mo sa kanya na mahal siya ni Allah ang Pinakamataas)” Ganito naitala ang Hadith na ito ni Al-Bukhari sa kanyang Aklat ng Tawhid. Naitala din ito ni Muslim at An-Nasa’i. Sa kanyang Aklat ng Salah, initala ni Al-Bukhari na sinabi ni Anas, “Isang lalaki mula sa Ansar ang dati nang namumuno sa mga tao sa pagdarasal sa Masjid ng Quba’. Sa tuwing siya ay mag uumpisa ng isang Surah na pagbibigkas ng pagdarasal na pinamumunuan niya, kanyang sinisimulan iyon sa pagbigkas ng ‘Siya si Allah, ang Nag-iisa’ hanggang matapos niya ang buong Surah. Pagkatapos siya ay nagbibigkas ng isa pang surah pagkatapos niyon. At ito ay parati niyang ginagawa sa bawat Rak’ah. Kaya’t siya ay kinausap ng kanyang mga kasamahan tungkol dito; ‘Tunay na sinisimulan mo ang Pagdarasal sa Soorah na ito. At iniisip mo na hindi pa sapat ito sa iyo hangga’t di ka makapagbigkas ng iba pag Soorah. Kaya dapat ay bigkasin mo o iwan mo at magbigkas ka na lang ng ibang Soorah.’ Sagot ng lalaki, ‘Hindi ko ito iiwan. Kung nais ninyong ipagpatuloy ko ang pamumuno sa inyo sa pagdarasal, gagawin ko ito; at kapag ayaw ninyo dito, iiwan ko kayo.’ Kanilang tinuturing na siya ang pinakamainam sa kanila sa pamumuno sa pagdarasal at ayaw nila ang iba liban sa kanya na pamunuan sila.Kaya’t nang dumating ang Propeta, kanilang itong ipinaalam sa Propeta at sinabi niya,
«يَا فُلَانُ، مَا يَمْنَعُكَ أَنْ تَفْعَلَ مَا يَأْمُرُكَ بِهِ أَصْحَابُكَ، وَمَا حَمَلَكَ عَلَى لُزُوم هَذِهِ السُّورَةِ فِي كُلِّ رَكْعَةٍ؟»
(O pulan! Ano ang nagpigil sa iyo na gawin kung ano ang inuutos sa iyo ng iyong mga kasamahan, at ano ang nagkusa sa iyo na manatiling bigkasin ang Soorah na ito sa bawat Rak’ah). Sinabi ng lalaki, ‘Tunay na mahal ko ito.’ Tugon ng Propeta,
«حُبُّكَ إِيَّاهَا أَدْخَلَكَ الْجَنَّة»
(Ang pagmamahal mo dit ay magdudulot sa iyo na makapasok sa paraiso). Ito ay naitala i Al-Bukhari, na may putol putol na Isnaad[3], subalit sa paraan na nagpapahiwatig ng kanyang pagsang-ayon
Isang hadeeth na nagbanggit na ang Soorah na ito ay katumbas ng 1/3 ng Qur’an
Naitala ni Al-Bukhari mula kay Abu Sa’id na may isang lalaking nakarinig nag bigkas ang isa pang lalaki ng
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ ]
(Ipagbadya (O Muhammad): “Siya si Allah, ang Nag-iisa) at ito ay kaniyang inuulit ulit. Kaya’t nang sumapit ang umaga, ang lalaking ito ay pumunta sa Sugo ni Allah at binanggit ito sa kanya, at tila bagang ito ay kanyang minamaliit. Sinabi ng Propeta,.
«وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ إِنَّهَا لَتَعْدِلُ ثُلُثَ الْقُرْآن»
(Sumusumpa ako sa Kanya na may hawak ng aking kaluluwa, tunay na ito ay katumbas ng 1/3 ng Qur’an.) Ito ay naitala din ni Abu Dawud at An-Nasa’i. Isa pang hadeeth na naitala ni Al-Bukhari mula kay Abu Sa’id, nawa’y kalugdan siya ni Allah, na sinabi ng Sugo ni Allah sa kanyang mga kasamahan,
«أَيَعْجِزُ أَحَدُكُمْ أَنْ يَقْرَأَ ثُلُثَ الْقُرْآنِ فِي لَيْلَةٍ؟»
(May isa ba sa inyo na kayang bumasa ng 1/3 ng Qur’an sa isang gabi?) Ito ay isang bagay na mahirap sa kanila at kanilang sinabi, “Sino sa amin ang kayang gawin iyon o Sugo ni Allah” Tugon niya,
«اللهُ الْوَاحِدُ الصَّمَدُ ثُلُثُ الْقُرْآن»
(“Si Allah ay ang Iisa, ang As-Samad” ay 1/3 ng Qu’an). Mag-isang nagtala si Al-Bukhari sa Hadeeth na ito.
Isa pang Hadeeth na ang pagbasa nito ay makakapagdulot na makapasok sa Paraiso
Itinala ni Imam Malik bin Anas mula kay ‘Ubayd bin Hunayn na narinig niya si Abu Hurayrah na nagsabi, “Lumabas ako kasama ng Propeta at nakarinig siya ng isang lalaki na nagbabasa ng ‘Ipagbadya, Siya si Allah ang Iisa.’ Kaya’t sinabi ng Sugo ni Allah,
«وَجَبَت»
(Kinakailangan!) Tanong ko, ‘Anong kinakailangan’ Tugon niya,
«الْجَنَّة»
(Ang Paraiso.)'' Ito ay naitala din ni At-Tirmidhi at An-Nasa'i sa pamamagitan ni Malik at sinabi ni At-Tirmidhi, “Hasan Sahih Gharib”. Hindi namin alam ito kundi sa salaysay lamang ni Malik.” Ang hadeeth na kung saan sinabi ng Propeta,
«حُبُّكَ إِيَّاهَا أَدْخَلَكَ الْجَنَّة»
(Ang pagmamahal mo dito ay magdudulot sa iyo na pumasok sa Paraiso) ay nabanggit na.
Isang Hadeeth tungkol sa pag ulit ng Soorah na ito
Itinala ni ‘Abdullah bin Imam Ahmad mula kay Mu’adh bn Abdullah bin Khubayn, na nag-ulat na sinabi ng kanyang ama, “Nauhaw kami at dumilim na habang naghihintay kami sa Sugo ni Allah upang pamunuan kami sa pagdarasal. Nang siya ay lumabas, kinuha niya ang kamay ko at nagsabi,
«قُل»
(Sabihin mo). At siya ay tumahimik. Pagkatapos sinabi niya uli,
«قُل»
(Sabihin mo). Kaya’t sinabi ko, ”Ano ang aking sasabihin’. Sinabi niya
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ ]
وَالْمُعَوِّذَتَيْنِ حِينَ تُمْسِي وَحِينَ تُصْبِحُ ثَلَاثًا، تَكْفِكَ كُلَّ يَوْمٍ مَرَّتَيْن»
(Sabihin mo: “Siya si Allah, ang Nag-iisa, » at ang dalawang Soorah ng Pagpakupkop (Al-Falaq at An-Naas) kapag darating na ang gabi at umaga ng tatlong ulit. Sila ay magiging sapat na para sa iyo dalawang ulit sa isang araw.” Ang hadeeth na ito ay naitala din ni Abu Dawud, At-Tirmidhi at An-Nasa’i. Sinabi ni At-Tirmidhi, ”Hasan Sahih Gharib”. Ito ay naitala din ni An-Nasa’i sa ibang Isnaad sa ganitong wording,
«يَكْفِكَ كُلَّ شَيْء»
(Sila ay sapat na sa iyo laban sa lahat)
Isa pang Hadeeth tungkol sa pagsumamo sa mga ito sa pamamagitan ng mga Pangalan ni Allah
Sa kanyang Aklat ng Tafsir, naitala i An-Nasa’ mula ka ’Abdullah bin Buraydah, na nag ulat mula sa kanyang ama na pumasok siya sa Masjid kasama ang Sugo ni Allah, at may isang lalaking nagdarasal at nagsusumamo na sinasabi, “O Allah ! Tunay po na humihingi ako sa Iyo sa pamamagitan ng aking pagsasaksi na walang diyos na dapat sambahin liban sa Iyo. Ikaw ang Nag-iisa, ang Walang Pangangailangan na Tagapagtustos ng lahat, ang hindi nagka anak at hindi Ka rin ipinanganak, at walang maihahambing sa Iyo.” Sinabi ng Propeta,
«وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لَقَدْ سَأَلَهُ بِاسْمِهِ الْأَعْظَم، الَّذِي إِذَ
(Sumusumpa ako sa Kanya na may hawak ng aking kaluluwa, tunay na siya ay humingi sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Pinakadakilang Pangalan, na kung saan kapag…)
Isang hadeeth tungkol sa paghanap ng lunas sa pamamagitan ng mga Soorah na ito
Itinala ni Al-Bukharimula kay ‘Aishah na sa tuwing nasa kama na ang Propeta sa gabi, kanyang pinagsasama ang kanyang mga palad at hinihipan niya ito. At siya ay magbabasa sa kanyang (mga palad), ‘(Ipagbadya: “Siya si Allah, ang Nag-iisa.), ‘Ipagbadya: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Al-Falaq’, at ‘Ipagbadya: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan.’ Pagkatapos kanyang pupunasan ang ano man ang kaya niyang punasan sa kanyang katawan ng kanyang mga palad. Sisimulan niya sa pagpunas ng kanyang ulo at mukha at ang unahang parte ng kanyang katawan nang tatlong ulit. Ito ay naitala din ng mga nagtatala ng Sunan.[4]
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ ]
Sa Ngalan ni Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ - اللَّهُ الصَّمَدُ - لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ - وَلَمْ يَكُنْ لَّهُ كُفُواً أَحَدٌ ]
(Ipagbadya (O Muhammad): “Siya si Allah, ang Nag-iisa. Allahus-Samad! (Si Allah ang Walang Hangan, ang Sakdal at Ganap) Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak. At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad.”) Nabanggit na kung ano ang dahilan na pagkapahayag ng Soorah na ito. Sinabi ni ‘Ikrimah, “Nang sabihin ng mga Hudyo, ‘Sinasamba naming si ‘Uzayr ang Anak ni Allah,’ at ang mga Kristiyano naman ay nagsasabi, ‘Sinasamba naming ang Kristo (Hesus), ang Anak ni Allah,’ at ang Zoroastrians ay nagsabi, ‘Sinasamba naming ang Araw at Buwan’, ang mga Pagano ay nagsasabi, ‘Sinasamba naming ang mga Rebulto,’ Ipinahayag ni Allah sa Kanyang Sugo,
[قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ ]
(Siya si Allah ang Nag-iisa.'') Ibig sabihin Siya ay ang Nag-iisa, Ang Natatangi, walang Katambal, walang Katulong, walang katunggali, walang kapantay at walang maihahambing sa Kanya. Ang salitang ito (Al-Ahad) ay hindi maaring gamitin ninuman liban lamang ni Allah ang Makapangyarihan at Dakila, sapagkat Siya ay ganap sa lahat ng kanyang katangian at gawa. Tungkol sa Kanyang salita,
[اللَّهُ الصَّمَدُ ]
(Allah As-Samad.) Nag ulat si ‘Ikrimah na sinabi ni Ibn Abbas, “Ang kahulugan nito ay Siya ang sinasandigan ng lahat ng nilikha sa kanilang pangangailangan at mga hiling.” Nag-ulat si ‘Ali bin Abi Talhah mula kay Ibn ‘Abbas, “Siya ang Panginoon na ganap sa Kanyang kapangyarihan, ang pinaka Marangal na ganap sa Kanyang karangalan, ang Pinaka Kahanga-hanga na ganap sa kanyang pagkahanga-hanga, Ang Matimpihin na ganap sa Kanyang pagka matimpihin, Ang sangat sa Kaalaman na ganap sa kanyang kaalaman, ang Pinaka Matalino na ganap sa Kanyang karunungan. Siya ay ang ganap sa lahat ng aspeto ng karangalan at kapangyarihan. Siya si Allah, luwalhatiin Siya. Ang mga katangian na ito ay hindi naangkop sa iba liban sa Kanya. Wala siyang kapantay at walang Siyang katulad. Luwalhatiin si Allah, ang Nag-iisa, ang Di-malabanan.” Nag-ulat si Al-A’mash mula kay Shaqiq, na nagsabi na sinabi ni Abu Wa’il,
[الصَّمَدُ]
(As-Samad.) ay ang Panginoon na ganap ang pamamahala.''
Si Allah ay Malaya sa pagkakaroon ng mga Anak at magka anak
Sinabi ni Allah,
|
[1] Mga taong sumasamba sa mga diyos-diyosan (Idolators)
[2] Ang Mursal ay isang uri ng salaysay na ang nagsasalaysay ay isang Sahabi o Kasamahan ni Propeta Muhammad sallallahu alaihi wa sallam.
[3] Muallaq. Isang hadeeth na putol ang Isnaad. (Dapat ang lahat ng mananalaysay ng hadeeth ay nagkita nga upang sa gayon may patunay na narinig ng bawat isa ang hadeeth mula sa nagsabi sa kanya hangga’t umabot ito sa Propeta Muhammad s.a.w.)
[4] Mga dalubhasa sa Hadeeth na nagtala ng Sunan. Sina At-Tirmidhi, An-Nasa’i, Ibn Majah, Abu Dawud.
Monday, March 14, 2011
Tafseer Soorah Al-‘Asr
Tafseer ibn Katheer sa wikang Filipino. Download PDF: http://viewer.zoho.com/docs/y52nb
Ito ay ipinahayag sa Makkah
Paano nalaman ni ‘Amr bin Al-‘As ang milagro ng Qur’an dahil sa Soorah na ito
Nabanggit nila na pumunta si Musaylimah Al-Kadhdhab pagkatapos na maatasan ang Sugo ni Allah bilang propeta at bago pa man tinanggap ni ‘Amr ang Islam. Sa kanyang pagdating, sinabi sa kanya ni Musaylimah, "Ano ang ipinahayag sa iyong kaibigan (Muhammad) sa mga panahong ito?” Sinabi ni ‘Amr, "Isang maikli at maigsing Soorah ang inihayag sa kanya.” Sinabi ni Musaylimah, ”Ano yun?” Sinabi ni ’Amr;
[وَالْعَصْرِ - إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ - إِلاَّ الَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقِّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ ]
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.) Kaya’t nag-isip si Musaylimah nang sandali. Pagkatapos, sinabi niya, “Tunay na may kaparehas na ipinahayag din sa akin.” Tinanong siya ni ‘Amr, “Ano yun”. Tugon niya, “O Wabr (maliit at mabalahibong hayop), O Wabr! Ikaw lamang ay dalawang tainga at dibdib, at ang natira sa iyo ay paghuhukay at paglulungga.” Sinabi niya, “Ano ang iyong palagay O ‘Amr?”. Sinabi sa kanya ni ‘Amr, “Nanunumpa ako kay Allah! Tunay na alam mo na alam ko na ikaw ay nagsisinungaling.” Nakita ko na nabanggit ni Abu Bakr Al-Khara’iti ang isnaad sa isang parte ng salaysay na ito o di kaya’y malapit sa kahulugan nito, sa pangalawang volume ng kanyang bantog na aklat na Masawi’ ul –Akhlaq. Ang Wabr ay isang maliit na hayop na katulad ng pusa at ang pinaka malaki sa kanya ay ang kanyang tainga at katawan, at ang iba pang parte nito ay pangit. Nais ni Musaylimah na maglathala ng walang saysay na talata na ito upang masalungat ang Qur’an. Subalit ito ay hindi man lang kapani-paniwala sa isang sumasamba sa diyos-diyosan sa panahong iyon. Naitala ni At-Tabarani mula kay ‘Abdullah ibn Hisn Abi Madinah na sinabi niya, “Tuwing magkakatagpo ang dalawang lalaki mula sa mga kasamahan ng Sugo ni Allah, sila ay hindi maghihiwalay hangga’t ang isa sa kanila ay magbibigkas ng Soorah Al-‘Asr sa kabuoan nito sa isa, at ang isa naman ay magbibigay ng Salam sa isa.” Sinabi ni Ash-Shafi’i “Kapag ang mga tao ay mag-isip ng malalim (upang maintindihan ) ang Soorah na ito, ito ay sapat na para sa kanila.”
[بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـنِ الرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allah, ang Mahabagin, ang Maawain
[وَالْعَصْرِ- إِنَّ الإِنسَـنَ لَفِى خُسْرٍ- إِلاَّ الَّذِينَ ءامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقّ وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ-]
(Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-‘Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.)
Ang Al-‘Asr ay ang panahon na kung kailan ang pag-galaw ng Inap ni Adan ay nangyayari, ito man ay mabuti o masama
Nag-ulat si Malik mula kay Zayd bin Aslam na sinabi niya, “It ay ang gabi”. Subalit ang unang pananaw ay ang tanyang na opinion. Samakatuwid, si Allah ay nanunumpa dito, na ang tao ay nasa kawalan, na ang kahulugan ay pagkatalo at pagkasira
[إِلاَّ الَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ الصَّـلِحَـتِ]
(Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan). Kaya’t si Allah ay gumawa ng kataliwasan, mula sa sangkatahuan na nasa kawalan, ay yaong mga nananampalataya sa kanilang puso at nagsisigawa ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang katawan.
[وَتَوَاصَوْاْ بِالْحَقِّ]
(at nagbibigay ng payo sa isa’t-isa sa Katotohanan). Ito ay ang pagsagawa ng pagsunod at pag iwas sa mga ipinagbabawal.
[وَتَوَاصَوْاْ بِالصَّبْرِ]
(at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isa’t isa sa pagtitiyaga.) ang ibig sabihin, (magiging matiyaga) sa mga balak, mga kasamaan at kapahamakan ng mga pumapahamak sa mga tao, dahil sa kanilang pag-utos sa pag gawa ng kabutihan at pag babawal nila sa kasamaan. Ito ang wakas ng Tafseer ng Soorah Al-‘Asr.
Sunday, March 13, 2011
Tafseer Soorah al Feel
Sa wikang Filipino
(i download sa pdf: http://viewer.zoho.com/docs/hcicnc )
Ito ay ipinahayag sa Makkah
Ito ay isa mula sa mga biyaya ni Allah sa (tribo ng) Quraysh. Iniligtas Niya sila mula sa mga nag mamay-ari ng elepante na nagsubok na wasakin ang Ka’bah at burahin at lahat ng bakas nito. Silang lahat ay pinuksa ni Allah, ginapi sila at pinigilan ang kanilang mga balak, ginawang walang kabuluhan ang kanilang pagsisikap at sila ay napauwi ng talunan. Sila ay mga Kristiyano, samakatuwid, ang kanilang relihiyon ay mas malapit sa tunay na relihiyong Islam kaysa sa pagsamba sa mga idolo ng mga Quraish. Subalit ito ay isang paraan upang mabigyan ng tanda at paghahanda sa pagdating ng Sugo ni Allah. Sapagkat, katunayan siya ay isinilang sa parehong taon ayon sa pinaka tanyag na opinion (ng mga dalubhasa sa Kasaysayan). Kaya naman ang dila ng tadhana ay nagsabi, " Hindi Namin kayo tutulungan, o Angkan ng Quraysh, dahil sa anupamang katayuan ninyo sa mga taga Ethiopia. Kami ay tumulong lamang sa inyo upang Aming mapagtanggol ang Sinaunang Bahay (ang Ka’bah), na Aming bibigyan ng karangalan, dadakilain, at sa pamamagitan ng pagsugo ng isang Propetang hindi nakakilala ng sulat, si Muhammad, ang kahulihulihan ng mga Propeta.
Buod ng Kwento ng mga May-ari ng Elepante
Ito ay ang pinaikling kwento ng may-ari ng Elepante. Nabanggit na sa kwento ng mga Tao ng Bambang[1] na si Dhu Nuas, ang huling hari ng Himyar, isang pagano, ay ang nag utos na patayin ang mga Tao ng Bambang. Sila ay mga Kristiyano at ang kanilang bilang ay humigit-kumulang dalawapu’t libong katao. Walang nakatakas ni isa sa kanila liban lamang sa isang lalaki na nag ngangalang Daws Dhu Tha’laban. Siya ay tumakas patungong Ash-Sham[2] na kung saan siya ay humingi ng pangagalaga mula sa Sesar[3] ang emperador ng Ash-Sham na isa ring Kristiyano. Sumulat naman si Sesar kay An-Najashi, ang Hari ng Ethiopia sapagkat siya ay mas malapit sa kanila. Nagpadala ng dalawang gobernador si An-Najashi kasama niya: si Aryat at Abrahah bin As-Sabah Abu Yaksum, kasama ng maraming hukbo. Sila ay pumasok (sinakop) ng Yemen at nagsimulang maghanap mula sa mga kabahayan at nagsipagnakaw sa kakahanap sa Hari ng Himyar. Sa wakas si Dhu Nawas ay namatay sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Nang dahil dito, ang mga Ethiopians ay malayang namahala sa Yemen, na sina Aryat at Abrahah bilang Gobernador. Subalit, silang dalawa ay walang tigil na di nagkakasundo sa mga bagay-bagay, sila ay nagsisipagsalakayan sa bawat isa, naglalaban at nagdigmaan sa bawat isa hangga’t umabot sa panahon a sinabi ng isa sa huli, ”Di na kailangan na maglaban ang ating mga hukbo. Sa halip, tayong dalawa na lamang ang maglabanan (sa tunggalian) at ang sinuman ang makapatay sa isa sa atin ay magiging pinuno ng Yemen ”. Tinanggap ng isa ang hamon ng huli at sila ay nagtunggali. Sa likod ng bawat isa ay paagusan ng tubig (upang walang makatakas mula sa dalawa). Nanaig si Aryat at kanyang hinampas si Abrahah ng kanyang tabak, nasibak ang kanyang ilong at bibig at nahiwa ang kanyang mukha. Subalit sinalakay ni ’Atawdah ang bantay ni Abrahah si Abrahah at napatay niya ito. Samakatuwid si Abrahah ay bumalik ng sugatan sa Yemen kung saan ginamot ang kanyang mga sugat at nagpagaling. Samakatuwid si Abrahah ay naging komandante ng mga Ethiopian sa Yemen.
Sumulat ang Hari ng Abyssinia (Ethiopia) na si An-Najashi sa kanya, sinisisi siya sa nangyari (sa pagitan niya at ni Aryat) at nagbanta sa kanya, sinasabi na sumusumpa na siya tutuntong sa lupa ng Yemen at gugupitin ang kanyang buhok sa noo. Nang dahil dito, nagpadala si Abrahah ng isang sugo kasama ng mga handog at mahahalagang mga bagay kay An-Najashi upang ito ay maglubag sa kanya at upang siya ay purihin ng labis at kasama na rin ng isang sako ng lupa mula sa Yemen at isang piraso ng buhok na ginupit mula sa kanyang noo. Kanyang sinabi sa kanyang sulat sa hari, ”Mangyari na ang Hari na lumakad sa lupa na ito nang matupad ang kanyang sumpa, at ito ay buhok mula sa aking noo na ipinadala ko sa iyo.” Nang natanggap ni An-Najashi ito, siya ay nalubag kay Abrahah at kanyang ibinigay sa kanya ay kanyang pagsang-ayon. Sumulat din si Abrahah kay An-Najashi na sinasabi niya na siya ay magpapatayo ng simbahan para sa kanya sa Yemen na wala pang nakakapagpatayo ng tulad nito. Samakatuwid, siya ay nagpatayo ng malaking iglesia sa San’a, mataas at maganda ang pagkaukit at palamuti sa lahat ng paligid nito. Tinawag ito ng mga Arabo na Al-Qullays sapagkat sa kataasan nito at sapagkat kapag ang isang tao ay titingin dito, madaling mahuhulog ang kanyang sombrero dahil sa kanyang pagtingala.
Nagpasya si Abrahah Al-Ashram na pilitin ang mga Arabo na maglakbay patungo sa kahanga-hangang simbahan na ito, katulad ng paglalakbay nila papuntang Ka’bah sa Makkah. Kanyang ipinahayag ito sa kanyang kaharian (Yemen), subalit ito ay tinanggihan ng mga tribong Arabo ng ’Adnan at Qahtan. Sumiklab ang galit mga Quraysh dahil dito, kaya naman isa sa kanila ay naglakbay patungo sa simbahan na ito at pumasok dito sa isang gabi. Tumae siya sa simbahan at tumakbo (upang makatakas mula sa mga tao). Nang makita ng mga tagapag-ingat ang kanyang ginawa, sinumbong nila ito sa kanilang hari na si Abrahah; ”Isa sa mga Quraysh ang gumawa nito dahil sa galit nang hinirang mo ang simbahan na ito na pamalit sa kanilang Bahay [Ka’bah]. Nang marinig ni Abrahah ito, kanyang isinumpa na siya ay tutungo sa Bahay sa Makkah (Ka’bah) at wasakin ang bawat bato nito. Binanggit ni Muqatil bin Sulayman na may isang pangkat ng mga kabataang lalaki mula sa Quraysh an pumasok sa simbahan at nagsimula ng sunog sa loob nito sa isang araw na mahangin. Dahil dito ang simbahan ay nasunog at gumuho sa lupa. Dahil dito si hinanda ni Abrahah ang kanyang sarili at lumisan kasama ang marami at makapangyarihang hukbo upang walang makapag pigil sa kanya na matupad ang kanyang misyon. Isinama niya ang isang dambuhala at malakas na elepante na ang laki ng katawan nito ay wala pang nakakakita simula’t sapul. Tinawag ang elepante na Mahmud at ito ay ipinadala kay Abraha mula ka An-Najashi, ang Hari ng Abyssinia, particular sa ekspedisyong ito. Sinasabi din na may wala pang elepante na kasama niya; ang kanilang bilang ay iniulat din na labindalawa di pa kasama ang malaki na si Mahmud – Si Allah ang higit na nakakaalam. Ang kanilang pakay ay gamitin ang malaking elepante na ito upang gibain ang Ka’bah. Balak nilang talian ng kadena ang mga haligi ng Ka’bah at itali ito sa leeg ng elepante. Pagkatpos, gagamitin nila ang elepante upang hilain ang mga ito upang mawarak ang dingding ng Ka’bah sa isang panahon. Nang marinig ng mga Arabo ang ekspedisyon ni Abrahah, itinuring nila ito bilang isang napaka lubhang bagay. Kanilang ipinalagay na ito ay isang obligasyon nila na ipagtanggol ang Banal na Bahay at itaboy ang sinumang magtangka laban dito. Dahil dito, ang pinaka marangal na tao sa Yemen at ang pinakadakila mula sa kanilang mga pinuno ay sumalubong upang harapin si (Abrahah). Ang pangalan niya ay Dhu Nafr. Nagpa anyaya siya sa kanyang mga tao at sinuman ang sasagot sa kanyang pag anyaya mula sa mga Arabo, upang makipag digmaan laban kay Abrahah bilang pagtanggol sa Banal na Bahay. Tinawag niya ang mga tao upang pigilan ang balak ni Abrahah na gibain at wasakin ang Ka’bah. Tumugon ang mga tao sa kanyan pag anyaya at sila ay nakipagdigmaan kay Abrahah, subalit nanaig si Abrahah laban sa kanila. Ito ay ayon na rin sa kagustuhan ni Allah at sa Kanyang layunin na parangalan at bigyang karangalan ang Ka’bah.
Nahuli si Dhu Nafr at napasama sa hukbo ni Abrahah
Nagpatuloy ang hukbo sa paglalakbay hangga’t dumating ito sa lupain ng khath’am na kung saan ito ay hinarap ni Nufaul bin Habib Al-kath’ami kasama ng kanyang mga tao, ang tribong Shahran at Nahis. Nakipaglaban sila kay Abrahah subalit sila ay natalo niya at nahuli si Nufayl bin Habib. Noong una nais niyang patayin siya, subalit pinatawad niya siya at ginawa siyang isang gabay upang ipakita sa kanya ang daan patungong Al-Hijaz.
Nang papalapit na sila sa lugar ng At-Ta’if, ang kanilang mamamayan – ang mamamayan ng Thaqif – ay lumabas tungo kay Abrahah. Nais nilang lumubag ang loob niya sapagkat sila ay natatakot para sa kanilang lugar dasalan na kanilang tinatawag na Al-Lat. Naging mabait si Abrahah sa kanila at sila ay nagpadala ng isang tao na nag ngangalang Abu Righal upang gabayan siya. Nang nadatnan nila ang isang lugar na kilala bilang Al Mughammas, na malapit sa Makkah, sila ay nanatili doon. Pinadala niya ang kanyang mga tropa upang dakpin ang mga kamelyo at iba pang mga hayop ng mga taga Makkah, na kanila namang ginawa, kasama na ang dalawandaang kamelyo na pag aari ni ‘Abdul Muttalib. Ang pinuno ng partikular na expedisyon na ito ay isang tao na ang pangalan niya ay Al-Aswad bin Mafsud. Ayon sa binanggit ni Ibn Ishaq, nilalait siya ng ilan sa mga Arabo (dahil sa kanyang papel sa makasaysayang pangyayaring ito). Nagpadala ng emisaryo si Abrahah na si Hanatah Al-Himyari upang pumaloob sa Makkah, nag atas sa kanya na dalhin ang pinuno ng Quraysh sa kanya. Siya ay nautusan din na ipaalam sa kanya na ang hari ay hindi makikipaglaban sa mamamayan ng Makkah liban lamang kung pipigilan nila siya na gibain ang Ka’bah. Pumunta si Hanatah sa lungsod at siya ay itinuro kay ‘Abdul-Muttalib bin Hashim at kanyang ipinarating ang mensahe ni Abrahah. Tugon ni ‘Abdul-Muttalib, " Sa pamamagitan ni Allah! Wala kaming balak na labanan siya ni wala kami sa posisyon na gawin ito. Ito ay ang Banal na Bahay ni Allah at bahay ng Kanyang Khalil[4] na si Abraham. At kung nanaisin Niya na pigilan siya (mula sa pag giba nito), ito ay Kanyang Bahay at Banal na Lugar. At kung hahayaan Niya siya na lumapit dito, sa pamamagitan ni Allah, wala kaming kaparaanan upang ipag tanggol ito. " Kaya sinabi ni Hanatah sa kaniya, “halika’t sumama sa akin sa kanya.” Kaya naman sumama si ‘Abdul-Muttalib sa kanya. Nang makita siya ni Abrahah, siya ay namangha sa kanya sapagkat si ‘Abdul-Muttalib ay isang matipuno at magandang lalaki. Kaya naman bumaba si Abrahah mula sa kanyang upuan at umupo sa kasama niya sa latagan sa lupa. Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang taga pagsalin, “Ano ang kailangan mo” ‘Tugon ni ‘Abdul Muttalib sa taga pagsalin, “Nais ko sanang ibalik ng hari ang aking mga kamelyo na kinuha niya mula sa akin na dalawandaan ang bilang.” Sinabi ni Abrahah sa kanyang taga pagsalin na sabihin sa kanya, " Ako ay namangha sa iyo nang una kitang nakita, subalit ngayon ay hindi na pagkatapos mong makipag usap sa akin. Hinihingi mo sa akin ang dalawandaang kamelyo na kinuha ko mula sa iyo at iyong iniwan ang bahay na siyang batayan ng relihiyon at relihiyon ng mga ninuno mo, na aking pinuntahan upang gibain at hindi mo ako kinausap tungkol dito." Tugon sa kanya ni ‘Abdul Muttalib, “Tunay na ako ang panginoon ng aking mga kamelyo. Subalit ang Bahay, ito ay may Panginoon niya na magtatanggol sa kanya." Sinabi ni Abrahah, “Ako ay hindi mapipigilan (na gibain ito)”. Sagot ni ‘Abdul Muttalib “Kung magkagayon, gawin mo ito”. Sinasabi na ilan sa mga pinuno ng mga Arabo ang sumama kay ‘Abdu-Muttalib at nag alok kay Abrahah ng 1/3 ng kayamanan ng tribo ng Tihamah kung siya ay umurong mula sa Bahay, subalit siya ay tumanggi at ibinalik niya ang mga kamelyo ni ‘Abdul Muttalib sa kanya. Bumalik si ‘Abdul-Muttalib sa kanyang mga tao at nag utos sa kanila na lumisan ng Makkah at maghanap ng kanlungan sa taas ng mga bundok, natatakot mula sa mga kalabisan na maaring magawa ng hukbo laban sa kanila. Pagkatapos kanyang hinawakan ang metal na argolya ng Ka’bah kasama ng ilan sa mga Quraysh, siya ay nagsumamo sa Allah na bigyan sila ng pagwawagi laban kay Abrahah at ng kanyang hukbo. Sinabi ni ‘Abdul-Muttalib, habang nakasabit sa argelyo ng pinto ng Ka’bah, “Wala nang mas mahalaga sa kahit sinumang tao ngayon kaysa sa pag tanggol sa kanyang mga ariarian. O aking Panginoon, ipagtanggol mo ang Iyong pag aari. Ang kanilang krus at balak ay hindi magwawagi sa iyong balak bago pa man sumapit ang umaga.” Ayon kay Ibn Ishaq, binitiwan ni ’Abdul-Muttalib ang argelyo ng pinto ng Ka’bah, at sila ay lumisan ng Makkah at umakyat pataas ng taluktok ng bundok. Binanggit ni Muqatil bin Sulayman na nag iwan sila ng isandaang haop (kamelyo) na nakatali malapit sa Ka’bah habang umaasa na kukuhanin ito ng ilan sa mga hubo nang walang karapatan dito, nangsagayon ito ay magdulot ng paghiganti ni Allah laban sa kanilang sarili.
Nang sumapit ang umaga, naghandang pumasok si Abrahah sa banal na lungsod ng Makkah. Kanyang inihanda ang elepante na si Mahmud. Kanyang pinakilos ang hukbo, ay kanilang ibinaling ang elepante patungong Ka’bah. Sa sandaling yaon, nilapitan ni Nufayl bin Habib ito at tumayo malapit dito, kanyang hinawakan ang tainga nito, at nagsabi, ”Lumuhod ka Mahmud! At pumihit ka at bumalik ka sa kung saan ka nanggaling. Tunay na ikaw ay nasa Banal na Lungsod ni Allah.” Kanyang binitiwan ang tainga ng elepante at ito ay lumuhod, pagkatapos si Nufaul bin Habib ay umalis at nagmadaling pumunta sa kabundukan. Pinalo ng mga alagad ni Abrahah ang elepante upang ito ay tumayo subalit ito ay tumanggi. Hinataw nila ito sa ulo na palakol at gumamit ng kawit na tungkod upang ito ay hilain at upang ito ay tumayo, subalit ito ay tumanggi. Dahil dito, kanilang ibinaling ito papuntang Yemen, at ito ay nagmadaling tumayo at naglakad ng mabilis. Pagkatapos kanilang ibinaling ito papuntang Ash-Sham at ganoon din ang ginawa nito. At ito ay ibinaling din nila papuntang silangan at ganoon din ang ginawa nito. Pagkatapos ibinaling nila ito patungong Makkah at ito ay lumuhod uli. Pagkatapos nagpadala si Allah laban sa kanila gn mga ibon mula sa dagat tulad ng golondrina at tagak. Bawat ibon ay may dalang tatlong bato na sinlaki ng chickpeas at lentils, isa sa bawat kuko at isa tuka. Lahat ng timaan ng mga ito ay nalipol, bagaman hindi lahat sa kanila ay tinamaan nito. Sila ay pasindak na tumakas sa daan habang nagtatanong sa kinaroroonan ni Nufayl upang maituro niya sa kanila ang pabalik sa kanilang lugar. Subalit si Nufayr ay nasa taluktok ng mga bundok kasama ng mga Quraysh at mga Arabo ng Hijaz nagmamasid sa poot na ibinababa ni Allah sa mga tao ng elepante. Nagsalita si Nufay, “Saan sila lilikas kung ang Nag Iisang Tunay na Diyos ang naghahabol sa kanila. Nagapi si Al-Ashram at di siya nagwagi. Inulat ni Ibn Ishaq na binanggit ni Nufayl ang tula na ito sa sandaling iyon,
"Didn't you live with continued support We favored you all with a revolving eye in the morning (i.e., a guide along the way). If you saw, but you did not see it at the side of the rock covered mountain that which we saw. Then you will excuse me and praise my affair, and do not grieve over what is lost between us. I praised Allah when I saw the birds, and I feared that the stones might be thrown down upon us. So all the people are asking about the whereabouts of Nufayl, as if I have some debt that I owe the Abyssinians.''
Sinabi ni ‘Ata bin Yasar at ng iba pa na hindi lahat sila ay tinamaan ng parusa sa oras ng paghiganting ito. Bagkus ilan sa kanila ay kaagad agad na namatay at ang iba naman ay unti-unting natatanggal ang katawan habang nagtatangkang tumakas. Kasama si Abrahah mula sa mga unti-unting nagtatanggalan ang katawan hanggang siya ay tuluyan ng namatay sa lupain ng khath’am. Sinabi ni Ibn Ishaq na lumisan ng Makkah habang tinatamaan at namamatay sa bawat landas at tubig bukal. Ang katawan ni Abrahah ay napinsala ng salot ng mga bato at siya ay kinarga ng kanyang mga hukbo habang nagsisitanggalan ang kanyang katawan pira-piraso hangga’t sila ay umabot ng San’a. Nang sila ay dumating doon siya ay para na lamang maliit na ibon at hindi siya namatay hangga’t hindi nahulog ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. Ito ay kanilang salaysay. Sinabi ni Ibn Ishaq na nang isinugo ni Allah si Muhammad ng pagka propeta, isa sa mga bagay na kanyang sinasalaysay sa mga Quraysh bilang biyaya na ibinigay ni Allah sa kanila at ang pag tanggol Niya sa kanila mula sa pananalakay ng mga Abyssinains. Dahil dito sila (ang mga Quraysh) ay hinayaang manatili (na ligtas sa Makkah) ng ilang panahon. Kaya’t si Allah ay nagsabi
Hindi babaguhin ni Allah ang kanilang kalagayan dahil nais ni Allah ang kabutihan para sa kanila, kung sila ay sasampalataya sa Kanya. Sinabi ni Ibn Hisham, “Ang Al-Ababil ay ang mga lupon, dahil ang mga Arabo ay hindi nagsasalita ng iisang ibong lamang.” Sinabi din niya, “Ang As-Sijjeel naman, sinabi sa akin ni Yunus An-Nahwi at Abu ‘Ubayday na ayon sa mga Arabo, ito ay nangangahulugang matigas at solid.” Pagkatapos nito sinabi niya, “Ayon sa mga ibang mufassiroon[5] ito ay katunayan nga dalawang salita ng Persyano na ginawang isang salita ng mga Arabo. Ang mga dalawang salita na ito ay ang Sanj at Jil. Ang kahulugan ng Sanj ay mga bato at ang Jil ay luwad (matigas na putik).” Patuloy pa niya, ”As-’Asf ay ang mga dahon nga mga pananim na hindi kinukuha. Isa sa kanila ay tinatawag ng ‘Asfah.” Ito na ang panghuli mula sa kanyang nabanggit. Nagulat si Hammad bin Salamah mula kay ‘Asim, na nag ulat mula kay Zirr, na nagsalaysay mula kay ‘Abdullah at Abu Salamah bin ‘Abdur-Rahman na sinabi nila,
Tungkol sa sinabi ni Allah
[1] Soorah al Burooj (85)
[2] Ang lumang pangalan ng Syria, Lebanon, Jordan at Palestine.
[3] Ang tawag sa hari ng Emperador Romano
[4] Isang titulo ni Abraham na nangangahulugang napakalapit na kaibigan.
[5] Mga Dalubhasa sa pag bigay paliwanag sa Qur’an
[6] Chain of narrations. See sciences of hadeeth.
[7] Sahih Bukhari at Sahih Muslim